CH- 12

1759 Words
Alexandrea POV. Tahimik ang buong opisina matapos sabihin ni Sebastian ang mga salitang iyon nagbigay ng kaba sa aking puso. “Depende kung paano siya titingin sa’yo.” Sabi pa niya. At sa paraan ng pagkakasabi niya noon, para bang hindi simpleng babala ang narinig ko. Kundi banta. Napakagat ako sa labi habang pilit iniiwas ang tingin sa kanya. Ngunit bago pa ako makapagsalita ay biglang kumatok ang sekretarya ko. “Please come in.” Pumasok ang secretary ko. “Chairwoman Alexandrea?” Agad akong tumingin sa kanya. “Yes?” “Dumating na po iyong lalaking may appointment sayo.” Biglang bumilis ang tib*k ng puso ko. Dumating na… umm… nasaan siya? Nasa visitor room po.” Hindi ko maintindihan kung bakit pero parang biglang bumigat ang pakiramdam ko… tila nawalan ng hangin dito sa loob ng opisina. Pagkatapos dahan-dahan akong napatingin kay Sebastian. At agad kong napansin ang pagbabago sa ekspresyon niya. Kanina relaxed lang siya. Pero ngayon? Nawala ang bahagyang ngiti sa labi niya. Tumigas ang panga niya. At ang mga matang kanina ay kalmado lang na nakatingin sa akin… ngayon ay naging malamig at mapanganib. “Papasukin mo siya,” napipilitan kong saad. “Yes, Chairwoman.” Pagkasara ng pinto ay agad akong napalunok. Hindi ko maintindihan kung bakit masyado akong apektado sa magiging reaksyon ni Sebastian. Samantalang bodyguard ko lang naman siya. Samantalang si Sebastian, tahimik lang. Masyadong tahimik. At hindi ko mapigilan makaramdam ng takot. Dahan-dahan siyang tumayo mula sa upuan niya at lumapit sa gilid ng mesa ko. Eksaktong posisyon ng isang bodyguard. Straight ang likod. Nakatikom ang panga. At matalim ang tingin sa pinto. Pero kahit anong pilit niyang magmukhang propesyonal… ramdam ko pa rin ang kakaibang tensyon mula sa kanya. Parang isang lalaking binigyan ko na ng karapatan… kahit wala pa naman. Makalipas ang ilang segundo ay bumukas ang pinto. At pumasok ang isang matangkad na lalaki. Nasa early thirties siguro ito. Malinis manamit, gwapo, at mukhang galing sa mayamang pamilya. May suot itong gray suit at may hawak na bouquet ng puting rosas. Agad itong ngumiti sa akin. “Miss Alexandrea Alregre?” Tumayo ako. “Yes. Ikaw si…” “Damian Laurent.” Lumapit siya at iniabot ang bulaklak. “Nice meeting you.” Bago ko pa tuluyang mahawakan ang bouquet ay may isang kamay na mabilis na humarang. Agad akong natigilan. Pati si Damian. Dahan-dahang ibinaba ni Sebastian ang kamay ng lalaki kasama ang bulaklak. Malamig ang mukha niya. “Bawal ang unidentified items near the Chairwoman.” Seryoso at may diin ang boses niya. At ramdam na ramdam ko ang babala roon. Napakurap si Damian bago bahagyang natawa. “Its just flowers.” “Still not allowed.” Mabilis na sagot ni Seabstian. Halos mapapikit ako. Diyos ko. Talagang bodyguard mode agad? At nang palihim akong sumulyap kay Sebastian ay doon ko napansin ang paraan ng pagtitig niya kay Damian. Masyadong matalim. Masyadong mapanganib. At saka ko tuluyang na-realize… Hindi lang niya ginagawa iyon bilang bodyguard ko, may higit pang dahilan. Nagseselos ba siya? Agad din akong napailing, wala akong alam sa relasyon kaya paano ko naisip na nagseselos si Sebastian? “Seb…” mahina kong tawag. Ngunit hindi siya lumingon sa akin. Nanatili lang ang tingin niya kay Damian. Para bang sinusukat niya ang bawat kilos nito. Samantalang si Damian naman ay bahagyang napataas ang kilay bago muling ngumiti sa akin. “Mukhang seryoso ang bodyguard mo.” Hindi ako agad nakasagot. Dahil sa totoo lang… Sa mga oras na iyon mas nararamdaman kong seryoso si Sebastian bilang lalaki kaysa bilang bodyguard. “Part iyon ng trabaho niya,” smoleng paliwanag ko. “Good.” Tumango si Damian. “At least safe ka.” Ngunit bago pa tuluyang makalapit si Damian sa mesa ko ay muli nang nagsalita si Sebastian. “Hanggang diyan lang.” Aniya pa. Napansin ko ang pagkuyom ng kamao no Mr. Damian Laurent. Tahimik ang paligid walang isa man ang nagsalita. Napatingin ako kay Sebastian nang masama. Kasabay ay tinawag ko siya sa kanyang pangalan. At ang paraan ng pagkakabanggit ko ay may halong pagbabanta. “Sebastian.” Ngunit hindi pa rin niya ako pinansin. Nakatitig lang siya kay Damian habang malamig na sinasabing… “Maintain distance.” Bahagyang natawa si Damian. At parang lalo lang lumamig ang aura ni Sebastian dahil doon. “Relax,” saad ni Damian. “Hindi naman ako kriminal.” “Hindi ko pa alam.” At wala pang nakakaalam.” Halos huminto ang aking paghinga bago napahawak sa noo ko. Diyos ko… bakit parang dalawang magkaaway ang nasa loob ng opisina ko? At ang mas nakakagulo? Habang nakikita ko ang malamig at selosong ekspresyon ni Sebastian… Parang lalong bumibilis ang t***k ng puso ko. Dahil ngayon ko lang lubos na nakita kung gaano siya ka-apektado. At sa paraan ng pagtitig niya kay Damian… parang gusto niyang ipaalam sa lahat ng tao sa silid na iyon na… Nauna na siyang sperm donor. Kaya wala ng pag-asa si Damian Laurent, kahit sabihin pa na ito ang pinili ng aking mama na maging ama ng magiging anak ko. Nakikita ko sa mukha niya na wala siyang balak umatras. - Parang mas bimigat ang tensyon sa pagitan nina Sebastian at Damian. At kailan pa nagkaroon ng karapatan si Sebastian na pangunahan ako? Umaasta siya na parang may superior, hindi ko nagustuhan ang bawat salitang lumalabas sa bibig ni Sebastian. Samantalang tahimik at kalmado si Mr. Damian Laurent, professional na nakaupo sa harapan ko, tila hindi apektado kahit pa matalim ang tingin na ibinabato dito ni Sebastian. Ganun pa man hindi ako nagsasalita, kahit hindi ko nagustuhan ang inaasta ni Sebastian, ayaw ko pa rin siyang barahin sa harapan ng iba. Hanggang hindi siya gumagawa ng aksyon hahayaan ko kang muna siyang tumayo lang sa gilid ko. Kapansin pansin din ang pagtiim bagang niya. At para bang anumang maling galaw ni Damian ay sapat para tuluyan siyang mawalan ng pasensya. “I heard a lot about you, Miss Alegre,” mahinahong saad ni Damian habang inaayos ang cufflinks niya. “Your mother already explained the arrangement.” Napahigpit ang hawak ko sa ballpen. Arrangement. Napakabigat pakinggan ng salitang iyon ngayon. Lalo na dahil ramdam ko ang malamig na presensya ni Sebastian sa tabi ko. “I assume,” pagpapatuloy ni Damian, “this will be a discreet agreement.” Bago pa ako makapagsalita ay agad nang sumingit si Sebastian. “It won’t happen.” Agad akong napapikit. Diyos ko. “Sebastian,” madiin kong saad. Ngunit hindi niya ako pinansin. Diretso lang siyang nakatitig kay Damian. Malamig. Mapanganib. At halatang kanina pa nagpipigil na sumiklab sa galit. Bahagyang nag-smirk si Damian bago siya sumandal sa upuan. “And you are?” “Her bodyguard.” Tila proud na sagot ni Sebastian. “Then stay as one.” May tigas sa boses na sagot ni Mr. Damian. Tumahimik si Sebastian, ngunit makikita sa mukha nito na kahit tumahimik siya… hindi ibig sabihin na hahayaan niya na matuloy na si Mr. Damian Laurent ang maging sperm donor. Samantala sapat na ang tono ni Mr. Damian para maramdaman kong sinusubukan niya ring hamunin si Sebastian. At hindi ko iyon nagugustuhan. Lalo pa at kitang-kita ko ang paggalaw ng panga ni Seb. Kapag hinayaan ko pang magtagal si Mr. Damian Laurent dito sa opisina ko. Baka mauwi lang sa suntukan ang dalawang lalaking ‘to. Kanina ko pa nararamdaman ang galit niya at hindi ko na hihintayin na sumabog pa iyon. “Part ng trabaho ko ang siguraduhin ang safety niya,” muling sagot ni Sebastian. “At hindi ligtas ang arrangement na ito.” Napakunot-noo si Damian. “I’m medically cleared. Your Chairwoman’s mother already checked everything.” “Hindi iyon ang tinutukoy ko.” Agad akong napatingin kay Sebastian. At sa unang pagkakataon mula nang dumating si Damian… Tumingin siya diretso sa akin. Masyadong seryoso ang mga mata niya. Parang may gustong pigilan. Parang may gustong aminin. “Hindi basta-basta dapat ipinagkakatiwala ang pagkakaroon ng anak,” mababa niyang saad. Biglang uminit ang pisngi ko. Dahil malinaw na hindi lang bilang bodyguard ang pagsasalita niya ngayon. Kundi bilang lalaking nasasaktan. Bahagyang natawa si Damian. “With all due respect,” saad nito, “wala ka naman sigurong karapatan para magdesisyon tungkol diyan.” At doon ko nakita ang tuluyang pagbabago sa ekspresyon ni Sebastian. Nawala ang natitirang kalmado sa mukha niya. Dahan-dahan siyang lumapit sa mesa ko. Hanggang sa halos nasa tabi ko na siya. Parang sinasadya niyang ipaalam kay Damian kung sino ang mas malapit sa akin. “At sino ang nagsabing wala?” malamig niyang tanong. “Seb…” mahina kong tawag, kinakabahan na. Ngunit hindi niya ako nilingon. Nakatitig lang siya kay Damian. Matalim. Dominante. At sa mga oras na iyon… Hindi siya mukhang bodyguard. Mukha siyang lalaking handang makipaglaban para sa babaeng gusto niya. Tahimik na ngumiti si Damian. Ngunit halatang nararamdaman na rin nito ang tensyon. “Interesting,” bulong nito. “Mukhang hindi lang trabaho ang tingin mo kay Chairwoman.” Napahigpit ang hawak ko sa ballpen. Samantalang si Sebastian… Hindi man lang itinanggi. Sa halip ay bahagya lang siyang yumuko palapit kay Damian. Sapat para maging mas mabigat ang presensya niya. “She deserves better than a business arrangement.” Mariing pahayag ni Sebastian habang ang mga kamay ay nakakuyom. Biglang sumikip ang dibdib ko. At hindi ko alam kung bakit mas lalong bumilis ang t***k ng puso ko sa mga salitang iyon. Dahil sa paraan niya iyon sabihin… Parang hindi lang niya kinokontra si Damian. Parang inaangkin niya ako. Walang imik na tumingin sa akin si Damian. “Is this true, Miss Alexandrea?” kalmado nitong tanong. “May relasyon ba kayo ng bodyguard mo?” “A-Ano? Wala!” Ngunit bago pa tuluyang mawala ang init sa pisngi ko ay agad na nagsalita si Sebastian. “Not yet.” Halos mawalan ako ng hininga. Mabilis akong napalingon sa kanya. At muntik na akong matulala sa seryosong ekspresyon niya. Hindi iyon biro. Hindi rin panunukso. Diretso niya iyong sinabi habang nakatingin kay Damian. Parang babala. Parang deklarasyon. At makikita sa mukha ni Mr. Damian Laurent ang galit, unti-unting nawala ang ngiti nito. “I see.” Muling bumalik ang katahimikan sa buong opisina. Ngunit sa pagkakataong iyon… Mas lalong uminit ang sitwasyon. Dahil ramdam na ramdam ko na hindi papayag si Sebastian. Hindi siya papayag na ibang lalaki ang maging ama ng magiging anak ko. At sa paraan ng pagtitig niya sa akin ngayon… Nakahanda siyang gawin ang lahat para siya ang piliin ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD