CH- 13

1558 Words
Alexandrea POV. Puno ng tensyon ang buong opisina. Ramdam na ramdam ko ang init ng sitwasyon sa pagitan nina Sebastian at Damian. Parang anumang oras may sasabog sa galit. At ang mas nakakabahala pareho silang palaban. Nakita kong tahimik na sumandal si Mr. Damian sa upuan habang kampanting nakatingin. Kung pagmamasdan tila balewala lang dito ang galit na ipinakikita ni Sebastian. Halatang nananadya. Parang gusto niyang ipakitang hindi siya natitinag sa malamig at mapanganib na aura ni Sebastian. Samantalang si Seb naroon pa rin sa dating pwesto nananatiling nakatayo sa tabi ko. Tuwid ang tindig, nakatikom ang umiigting na panga. At may matatalim na mga matang kanina pa hindi inaalis kay Mr. Damian. “Interesting,” muling saad ni Damian habang marahang inaayos ang relong suot. “Hindi ko inaasahang ganito ka-protective ang bodyguard mo.” wika pa niya. Hindi naman sumagot si Sebastian. Ngunit kitang-kita ko ang paggalaw ng panga niya. Nagngangalit... parang isang maling salita lang ng kaharap… lilipad ang kamao at sipa. “Mr. Laurent…” mabilis ko tawag upang kahit paano mapigilan ang tensyon. Ngunit tila walang balak tumigil si Mr. Damian. “Though I understand,” pagpapatuloy niya pa habang nakatingin sa akin. “You’re beautiful enough to make men forget their boundaries.” Biglang nanigas ang buong katawan ko. At halos kasabay noon ay narinig ko ang nanunuya na tawa ni Sebastian. "Ayusin mo ang iyong pananalita, wag kang bastos!" mariin pahayag ni Sebastian. "Anong mali sa sinabi ko?" sagot ni Damian. “Talagang nang-iinis ka para magtanong pa ng ganyan, huh!” mababa niyang saad. Ngumiti si Damian saka muling nagtanong. “Did I say something wrong?” “Lahat ng lumalabas sa bibig mo ay mali.” Sa punto na 'yon ay halos mapapikit ako. Diyos ko, masyado nang umiinit ang conversation nila at hindi na tama na magpatuloy pa ang mga ito sa pag-uusap. Sabapgkat obvious na ginagatungan pa ni Mr. Damian ang galit ni Sebastian... nananadya siya. Lalo na nang dahan-dahan siyang tumayo mula sa upuan. At bago ko pa mapigilan ay bahagya siyang lumapit sa mesa ko. Pagkatapos bahagyang yumuko at saka nagsalita. “Miss Alexandrea,” mahinahon niyang saad habang nakatingin ng diretso sa akin. “Your mother told me you wanted a child. Iyon ang dahilan kaya ako naririto.” Napahigpit ang hawak ko sa ballpen. Habang sa gilid ko halos marinig ko ang mariing paghinga ni Sebastian. “At honestly…” pagpapatuloy ni Damian. “I think we can make this arrangement work very well.” “Enough.” Mariin at punong-puno ng galit na saway ni Sebastian. Agad akong lumingon sa kanya upang sawayin sana siya, ngunit halos mapahinto ang aking paghinga dahil sa nakita. Wala nang natitirang pagtitimpi sa mukha ni Sebastian. Naggagalawan ang magkabila niyang panga at mahigpit ang pagkakakuyom ng magkabilang kamao. Kahit ako hindi ko gusto ang paraan ng pagtitig niya kay Mr. Damian Laurent… parang anumang oras ay kaya niya itong bugbugin. Pinipilit lang na pigilan ang sarili dahil narito ako. Kitang-kita ko iyon sa pamumula ng kanyang mga mata. “Seb…” kinakabahan kong tawag. Ngunit hindi niya ako nilingon at sa halip nanatili lang siyang nakatingin kay Mr. Damian. “Hindi ka ba marunong makiramdam?” dagdag pa ni Sebastian. Ngunit bahagya pang tumaataas ang kilay ni Mr. Damian. “At ikaw?” kalmado nitong sagot. “Mukhang nakakalimutan mong empleyado ka lang dito.” Sa punto na 'yon indi na sumagot si Sebastian, at ang pananahimik niya ay mas lalong nagbigay ng panganib. Malinaw ko rin nakita na talagang sinasadya na galitin siya. “Bodyguard ka lang,” dagdag pa ni Damian habang bahagyang tinatapik ang cufflinks niya. “'Wag kang umasta na boyfriend.” Halos tumigil ang paghinga ko. Lalo pa at sa sumunod na ilang segundo… walang gumalaw. Nakatitig lang si Sebastian kay Mr. Damian. Unti-unti akong nakaramdam ng takot. Hindi dahil kay Sebastian. Kundi nararamdaman kong malapit na siyang mawalan ng kontrol. “Sebastian…” mas mahina kong tawag. Ngunit tila hindi na niya ako naririnig. Sa halip dahan-dahan siyang humakbang palapit kay Damian. Isa... dalawa. Hanggang sa halos magkatapat na silang dalawa. At Diyos ko… ngayon ko lang lubos na napansin kung gaano kalakas ang presensya ni Sebastian. Mas matangkad. Mas mabigat ang aura. At mas nakakatakot kapag galit. “Say that again,” malamig niyang saad. Sa halip na sumagot ay ngumiti pa si Damian, pagkatapos bahagyang humakbang paatras. “Why?” tila naghahamon nitong tanong. “Natamaan ba ang ego mo?” Biglang napakuyom si Sebastian. Kaya agad akong tumayo. “Enough! Doon ka muna sa labas, Seb.” Utos ko. Pareho silang napatingin sa akin, ngunit hindi ko pinansin, sa halip mabilis akong lumapit bago pa tuluyang mauwi sa suntukan ang dalawa. Hinawakan ko sa braso si Seb at hinila. “Hindi ito boxing ring,” madiin kong saad habang nakatingin kay Mr. Damian. “At lalong hindi ito lugar para magpataasan kayo ng pride.” Walang sumagot isa man sa dalawa. Ngunit kahit ganoon… naroon ko pa rin ang tensyon sa pagitan nila. Patunay ang pamumula ng mukha ni Sebastian habang si Mr. Damian ay naniningkit ang mga mata. At mas lalong lumala iyon nang muling magsalita si Damian. “Relax, Chairwoman.” Bahagya itong ngumiti. “I’m just trying to understand why your bodyguard acts like he already owns you.” Napakunot ang noo ko. Iyon ba nag ibig sabihin ng mga kilos ni Sebastian? Ang hirap talaga ng walang karanasan sa pakikipag relasyon. Wala man lang akong idea sa mga ganoong bagay. Samantalang si Sebastian… bigla na lamang natawa nang mahina. Ngunit mas nagbibigay iyon ng takot kaysa sa galit niya kanina. Dahan-dahan siyang napalingon kay Mr. Damian. “At ano naman kung gusto kong umakto na boyfriend?” Parang tumigil ang oras. Pati si Damian ay bahagyang natigilan. At ako? Halos mamawis sa kaba ang mga kamay ko. Iba ang paraan ng pagkakasabi ni Sebastian noon… hindi iyon biro makikitang may kahalong selos. Nang isang lalaking handang ipaglaban ang babaeng minamahal. At kahit pilit na pinipigilan ang sarili niyang suntukin si Damian… - Ilang minuto pa ang lumipas, at dahil sa tensyon tila nawalan ng hangin sa loob ng opisina. Hindi ako masyadong makahinga. Paulit-ulit na umalingawngaw sa isip ko ang malamig na tanong ni Sebastian. “At ano kung gusto ko?” At kitang-kita ko rin ang pagbabago sa mukha ni Mr. Damian Laurent matapos marinig iyon. Nawala ang bahagyang amusement sa ekspresyon na kanina lang ay nakapaskil sa mukha niya. Napalitan iyon ng matalim na tingin. Parang ngayon lang niya tuluyang nakita si Sebastian bilang kalaban. “Interesting,” mababa nitong saad. “Mukhang masyado ka nang attached sa employer mo.” sabi pa ni Damian Laurent na may konting smirk. “Wala ka bang alam sabihin kundi interesting?” painsultong tanong ni Sebastian. “At ikaw naman…” dagdag pa ni Damian habang bahagyang inaayos ang suit niya. “Mukhang nakakalimutan mo ang lugar mo… gusto mong ipaalala ko na isa ka lang tauhan ni Ms. Alexandrea? Kaya tigilan mo ang mga ganyang inaasta mo.” Napasinghap ako ng makita ang ginawa ni Sebastian. At ang sumunod na segundo ay bigla na lamang itong nasa harapan ni Mr. Damian. At bago pa tuluyang maka-react si Damian ay agad na nitong dinaklot ang kwelyo ng suit nito. “Sebastian!” nabigla kong tawag sa pangalan niya upang sawayin ngunit huli na. Malakas na suntok agad ang tumama sa mukha ni Damian. At agad napaatras ito kasabay ng pagbagsak ng ilang gamit sa mesa. Napasigaw ako sa takot habang hindi malaman kung tatakbo palabas o mananatili sa pwesto. Ngayon ko nakita ang tuluyang pagkawala ng pagpipigil ni Sebastian. Mabigat ang paghinga niya, mariing nakakuyom ang kamao. Parang gustong ulitin pa ang panununtok. Ang mga matang kanina pa puno ng selos at galit… ngayon ay tuluyan nang naging mapanganib. “Subukan mong bastusin ulit siya,” malamig niyang saad. “Tingnan natin kung makakapagsalita ka pa.” Punong-puno ng tensyon ang buong silid. At si Mr. Damian naman ay dahan-dahang nagpahid ng labi nitong may bahid na dugo. At sa halip na matakot… bahagya pa itong natawa. Halatang lalo lang nitong dinadagdagan ang galit ni Sebastian. “So this is the real you.” “Shut up.” Muling humakbang si Sebastian palapit dito. At sa puntong iyon… alam kong mas lumala pa ang tensyon at sigurado gaganti na si Mr. Damian ng suntukan. Ngunit imbes na pigilan sila… humakbang na lamang ako habang napapailing. At ilang segundo pa ang lumipas. Napabuntong-hininga ako bago ko marahang inilapag ang ballpen sa mesa. Pagkatapos ay diretso akong naglakad palayo sa kanilang dalawa. “Chairwoman!” gulat na tawag ng sekretarya ko nang makita akong palabas. Ngunit hindi ako huminto, bahala silang dalawa. Kung gusto nilang magpatayan dahil sa pride nila… problema na nila iyon. Paglabas ko ng opisina ay agad kong narinig ang malakas na pagbagsak ng upuan mula sa loob. Kasunod ang galit na boses ni Sebastian. At ang malamig na tawa ni Damian. Napahawak ako sa noo ko habang naglalakad sa hallway. Hindi ko alam kung maiinis ba ako… o matutuwa. Dahil kahit anong pilit kong itanggi… nakita ko ang paraan ng pagkawala ng kontrol ni Sebastian kanina… Malinaw na malinaw na hindi lang iyon selos. Kundi takot na maagaw ako ng ibang lalaki.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD