CH- 14

1458 Words
Alexandrea POV. Paglabas ko ng opisina ay agad kong narinig ang malakas na pagbagsak ng kung ano mula sa loob. Kasunod noon ang galit na boses ni Sebastian at ang malamig na sagot ni Damian. Napapikit ako, Diyos ko... talagang hindi sila titigil. “Chairwoman?” nag-aalalang tawag ng sekretarya ko habang nakasilip sa direksyon ng opisina. Ngunit hindi pa man lang ako nakakasagot, muli na namang may malakas na kalabog akong narinig. At sa pagkakataong iyon ay tila may nabasag pa. Napabuntong-hininga ako bago ko marahang hinilot ang sentido ko. Ayoko ng gulo. Lalo na ng ganitong klaseng eksena. Dalawang lalaking wala naman relasyon sa akin… pero halos magpatayan dahil din sa akin. At ang mas nakakainis, pareho silang hindi nakikinig sa akin, matitigas ang mga ulo. “Tumawag ka ng guards.” seryoso kong utos. Agad na napatingin sa akin ang sekretarya. “P-Po?” “Palabasin mo silang dalawa sa opisina ko bago pa nila tuluyang sirain ang lahat ng gamit doon. “Yes, Chairwoman!” Mabilis itong tumakbo palayo. Samantalang ako naman ay napapikit muli nang marinig ang isa na namang malakas na kalabog mula sa loob. At hindi ko na gustong bumalik pa doon. Ayokong makita ang dalawang lalaking umaastang parang mga teenager na nag-aagawan ng laruan. At lalong ayokong aminin sa sarili ko na habang nakikita ko kanina ang galit at selos ni Sebastian… may parte sa akin na apektado. Kaya bago pa tuluyang magbago ang isip ko ay mabilis na akong naglakad palayo. Tahimik ang hallway ngunit naririnig ko pa rin mula sa malayo ang ingay sa loob ng opisina ko. Halatang hindi pa rin tapos ang dalawa. “Tinalo pa nila ang mga tambay sa kanto…” bulong ko sa sarili habang patuloy sa paglalakad. Pagdating ko sa elevator ay agad akong pumasok. Sa edad kong trenta, unang beses na may dalawang lalaking nag-away dahil sa akin. Pasadong alas dyes pa lamang ng umaga, nagsimula na ang gulo sa paligid ko. At dahil iyon sa sperm donor, hindi naman sana naging komplikado kung hindi nakialam ang aking ina. Ganun pa man… hindi mawala sa isip ko ang mukha ni Sebastian. Ang malamig niyang titig. Ang paraan ng pagprotekta niya sa akin. At ang paraan ng tuluyan niyang pagkawala ng kontrol dahil kay Damian. Muli akong napailing. Hindi ko dapat pinayagan mangyari ang ganito, una bodyguard ko lang si Sebastian. Ikalawa sperm donor ko pa lang sana si Mr. Damian Laurent, ngunit nauwi na agad sila sa suntukan. Sobrang nakakainis, kinuha ko ang cellphone ko at nagsend ng message sa dalawang lalaki. Una kay Sabastian, sinabi kong sesanti na siya at ‘wag ng pumasok. Pagkatapos ay sinabi ko kay Mr. Damian, cancel na ang pagiging spermdonor niya. Kahit alam kong makakarating iyon kay mama, hindi ko na lang inalintana. Saka na ako magpaliwanag sa akin ina kapag nagtanong siya. Buwisit! Inis kong bulong… lalo pa at bumabalik sa isip ko ang bawat sinabi ni Sebastian. “Ayokong ibang lalaki ang magkaroon ng parte sa buhay mo na dapat sana… akin.” Gusto kong tampain ang aking noo baka sakaling magising ako sa pinasok kong kabaliwan. Pagkabukas ng elevator ay diretso akong naglakad papunta sa parking area. Mabigat ang bawat hakbang ko, parang doon ko binuhos ang inis ko. Agad kong kinuha ang susi ng isa sa mga sasakyan ko bago binuksan iyon. Pagkapasok ko sa driver’s seat ay mariin akong napabuntong-hininga habang sumasandal sa upuan. Ilang segundo akong nanatiling tahimik. Ngunit sa huli… mabilis kong pinaandar ang sasakyan. At agad ko iyong pinasibad palabas ng parking area. Kailangan ko muna pakalmahin ang aking sarili. Kailangan kong makahinga. Dahil pakiramdam ko… simula ng dumating sa buhay ko si Sebatian ay naging magulo na ang paligid ko. Isa pa, ayaw ko man aminin, ngunit kahit sandali pa lamang kaming nagkakakilala agad na akong nahulog sa kanya. Hindi ko na namalayan kung gaano kabilis ang pagpapatakbo ko ng sasakyan. Naisipan kong tawagan ang secretary ko. “Yes, Chairwoman, may iuutos po ba kayo?” “Ano ang mga nabasag sa opisina ko?” “Yung glass shelves, chair at mga nakapatong sa ibabaw ng desk mo ay nahulog na sa carpet.” “Tumawag ka ng maintenace at taga linis, ayaw kong pumasok dyan habang may bakas pa silang dalawa.” “Masusunod po, Chairwoman.” Hindi na ako sumagot, sinara ko na agad ang cellphone ko. Walang traffic, bigira din ang mga sasakyan, ngunit ang isipan ko ay puno ang mga isipin. Paulit-ulit pa ring bumabalik sa alaala ko ang nangyari sa opisina. Ang malamig na titig ni Sebastian. Ang paraan ng paghawak niya sa kwelyo ni Damian. At ang galit sa mga mata niyang halos hindi na mapigilan. Napahigpit ang hawak ko sa manibela. Hindi ko maintindihan kung bakit hanggang ngayon ay ramdam ko pa rin ang tensyon ng mga sandaling iyon. At mas lalong hindi ko maintindihan kung bakit… imbes na matakot ako kay Sebastian… Hindi ko tuluyang magawa. “Hindi na talaga normal itong nangyayari sa akin…” bulong ko sa sarili. - Ilang minuto pa ang lumipas bago tuluyang pumasok ang sasakyan ko sa malaking gate ng Mansion Alegre. Tahimik ang paligid kaya binilisan ko ang lakad. At pagdating ko sa main door, pakiramdam ko ay bahagya akong nakahinga. Ngunit pagkapasok ko pa lang sa loob ng mansion ay agad na akong sinalubong ni Mama. “Alexandrea!” Halata agad ang pag-aalala sa mukha niya habang mabilis na lumalapit sa akin. “Bakit maaga ka? May nangyari ba?” Agad akong umiwas ng tingin habang inaalis ang bag sa balikat ko. “Wala naman, Mama. Sumakit lang ulo ko kaya umuwi na ako.” Hindi ako sanay magsinungaling sa kanya. Ngunit ngayon… wala akong choice. Dahil sigurado akong kapag nalaman niya ang nangyari sa opisina… Si Damian agad ang kakampihan niya. At hindi si Sebastian. Hindi niya gusto si Seb. Ramdam na ramdam ko iyon mula pa lang noong una niya itong makita. Hindi ko lang alam kung bakit… ano ang totoong dahilan ng aking ina? “Sure ka bang okay ka lang?” muling tanong ni Mama habang sinusuri ang mukha ko. Pinilit akong ngumiti. “Yes, Mama. Napagod lang siguro ako.” Ngunit halatang hindi siya kumbinsido. Bahagya siyang napabuntong-hininga bago niya hinawakan ang kamay ko. “Actually…” tila nag-aalangan niyang saad. “Tatawag sana ako sa’yo.” Napakunot-noo ako. “Bakit?” “May mensahe si Mr. Damian.” Bigla akong natigilan. At agad kong naramdaman ang paninigas ng katawan ko. “Message?” Tumango si Mama. “Hindi raw natuloy nang maayos ang meeting ninyo.” Napapikit ako nang mariin. Talagang nagsumbong siya agad. “At ano pa sinabi niya?” pilit kong pinanatiling kalmado ang boses ko. Bahagyang nagbago ang ekspresyon ni Mama. “Sinabi niyang… masyadong aggressive ang bodyguard mo.” Agad akong napatahimik. At hindi ko alam kung bakit… pero may parte sa akin na gustong ipagtanggol si Sebastian. Kahit alam kong mali ang ginawa niya. “Alexandrea…” mas naging seryoso ang mukha ni Mama. “Ano bang nangyayari?” Napaiwas ako ng tingin. Hindi ko puwedeng sabihin ang totoo. Hindi ko puwedeng sabihin na halos magpatayan sina Sebastian at Damian dahil sa selos. Dahil alam kong hindi maniniwala si Mama. At kahit maniwala man siya… Mas lalo lang niyang gugustuhing ilayo ako kay Sebastian. “Hindi naman ganoon kalala,” mahina kong saad. “Nagkaroon lang ng misunderstanding.” “Misunderstanding?” ulit ni Mama. Tumango ako. Ngunit bago pa ako makadagdag ng paliwanag ay muli siyang nagsalita. “Alex… hindi ko gusto ang lalaking iyon.” Agad akong napatingin sa kanya. At hindi ko alam kung bakit… pero mas lalong bumigat ang pakiramdam ko. Hindi niya kailangang sabihin kung sino. Alam ko nang si Sebastian ang tinutukoy niya. “Bakit?” hindi ko napigilang itanong. Bahagyang natahimik si Mama. At hindi nakaligtas sa paningin ko… parang may kung anong dumaan sa mga mata niya. Isang emosyon na hindi ko mabasa. “Hindi ko lang gusto ang paraan ng pagtitig niya sa’yo.” Napakunot-noo ako. “H-Ha?” “Parang…” Bahagya siyang napabuntong-hininga. “Parang kaya niyang gawin ang kahit ano makuha ka lang.” Biglang bumilis ang t***k ng puso ko… sapagkat alam kong tama si Mama. Nararamdaman ko rin iyon. Sa bawat titig ni Sebastian. Sa bawat salitang lumalabas sa bibig niya. At lalo na sa paraan ng pagkawala ng kontrol niya kanina. “Hindi siya simpleng lalaki lang, Alexandrea.” mababa niyang saad. “At hindi ko gusto ang pakiramdam ko tungkol sa kanya.” Tahimik lang akong nakatingin kay Mama. Ngunit sa likod ng isip ko… mas lalo lamang akong naguguluhan. Sapagkat hindi lang si Mama ang nagsasabing dapat akong lumayo kay Sebastian…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD