CH- 15

1489 Words
Sebastian POV. Hindi ko matanggap… hanggang ngayon ay hindi ko pa rin matanggap ang nangyari. Sa loob lamang ng isang araw… nawala sa akin si Alexandrea. At kasabay noon ay nawala rin ang trabahong ilang araw kong pinaghirapang makuha. Mariin kong ibinagsak ang folder sa ibabaw ng mesa. Sumunod ang isang malutong na mura mula sa akin. Hindi dahil sa pagkawala ng trabaho. Dahil makakahanap ako kahit sampung trabaho kung gugustuhin ko. Ang hindi ko matanggap ay ang katotohanang hindi ko na magagamit ang posisyon ko para manatili sa tabi ni Alexandrea. At ang mas nakakainis? Lahat ng iyon ay kagagawan ni Damian Laurent. Ang hambog na lalaking iyon. Akala ko noong una ay isa siyang disenteng negosyante. Isang lalaking may sariling pangalan at reputasyon. Ngunit pagkatapos kong mawalan ng trabaho bilang bodyguard ni Alexandrea, agad kong pinaimbestigahan ang buong pagkatao niya. Hindi lang ‘yon nag-imbestiga din ako mismo. At doon ko nalaman ang katotohanan. Ang pagkatao ng tarantado ay isang malaking kasinungalingan. Napangisi ako habang kuyom ang magkabilang kamao… muli kong binubuksan ang folder. Naroon ang lahat ng impormasyon. Ang mga litrato, transaksyon at paglabas ng bansa kasama ng isang matandang milyonaryo. At mga pangalan ng mga taong konektado sa kanya. Walang sariling negosyo. Walang sariling yaman. At halos lahat ng mamahaling gamit na ipinagyayabang niya ay hindi naman talaga kanya. Ilang taon nang umaasa sa pera ng iba't ibang mayayamang sponsor. Ginagamit ang mukha. Ginagamit ang charm. At ginagamit ang katawan na mayroon siya para sa pera at luho. Isa siyang oportunista. Isang manipulator. At isang lalaking kayang puno ng kasinungalingan para lang makuha ang gusto. Mariin akong napasandal sa upuan. At habang tinitingnan ko ang larawan ni Damian ay lalo lamang akong nainis. Damian Laurent… isang boytoy. Ang lalaking gusto ng ina ni Alexandrea para maging sperm donor? Ito ang lalaking pinagkakatiwalaan niya? Hindi ko maintindihan… o baka naman isa din sponsor ang mama ni Alexandrea. Sa isipin na ‘yon ay bigla akong nagkaroon ng idea na imbestigahan din siya. Napakatalino ni Alexandrea. Napakaingat niya sa negosyo. Ngunit bakit sa bagay na ito... parang handa siyang isugal ang lahat? Napabuntong-hininga ako. Hindi. Hindi niya alam, wala siyang alam sa ginagawa ng kanyang mama. Hindi ako naniniwala na si Alexandrea ay papayag sa gusto ng ina nito kapag nalaman ang totoong pagkatao ni Damian Laurent.. Kailangan kong kumilos agad. Isang pagpapasya ang nabuo sa aking isipan… hindi muna ako magpapakita kay Alexandrea. Ganun pa man sisikapin kong maprotektahan siya kahit nasa malayo ako. Kasabay no’n ay aalamin ko ang araw-araw na ginagawa ng kanyang mama. Sigurado akong may dahilan kung bakit pabor na pabor ito kay Damian. At iyon ang aalamin ko… hindi ako naging CIA at Military Navy Seal kung hindi ko agad malalaman ang lahat. Maliit man o malaking bagay, sisiguraduhin kong lalabas ang totoo. Dahil habang mas lumalalim ang iniimbestigahan ko… marami akong nakikitang hindi nagtutugma. May mga detalye na parang sinasadyang itago, gaya ng ibang konsepto na hindi maipaliwanag. At higit sa lahat… may kutob akong hindi nagkataon lang kung bakit si Damian Laurent ang napili. Tahimik akong tumayo at lumapit sa malaking bintana. Mula roon ay tanaw ko ang mga ilaw sa poste, nasa mismong tapat ng kwarto ko. Pero ang isip ko ay nasa isang tao lang… Si Alexandrea, isang inosente. Kaya hindi ko siya masisisi kung buo ang pagtitiwala nya sa kanyang mama. Napapikit ako nang maaalala ko pa ang mukha niya bago siya umalis ng opisina. Ang paraan ng pagtingin niya sa akin at pagtawag niya sa pangalan ko. Kahit galit siya sa ginawa ko… may nakita akong pag-aalala sa mga mata niya. Maliit lang… kahit maliit na pag-asa pero para sa akin ay sapat na. "Damian..." tiim bagang kong bulong habang mahigpit na nakakuyom ang kamao ko. Nawalan man ako ng trabaho, ngunit pinasalamatan ko pa iyon… nalaman ko kung sino ka talaga. Ganun pa man hindi ko kailanman bibitawan si Alexandrea. At lalong hindi ko hahayaang mapunta siya sa isang lalaking may itinatagong agenda. Kung kailangan kong ilantad ang buong pagkatao ni Damian Laurent para makita ni Alexandrea ang katotohanan… gagawin ko. Kung kailangan kong kalabanin ang buong mundo para maprotektahan siya… gagawin ko rin. Dahil isang bagay lang ang sigurado ako ngayon. Hindi ako susuko hangga't hindi ko napapatunayan kung sino talaga ang karapat-dapat na manatili sa tabi ni Alexandrea Alegre. - Bilang pasasalamat sa kaibigan ko na tumulong sa akin, nakipagkita ako sa kanya sa isang restaurant. Ang hindi ko inaasahang makikita ko si Alexandrea sa lugar na iyon. Pumasok lang naman ako sa restaurant para makipagkita sa isa sa mga taong tumutulong sa aking imbestigasyon. Ngunit pag-angat ko ng tingin ay agad ko silang nakita. Si Alexandrea at si Damian Laurent. Magkatapat silang nakaupo sa isang mesa malapit sa bintana. Mahina silang nag-uusap. Paminsan-minsan ay nakikita ko ang pagngiti ni Damian habang nakatingin kay Alexandrea. At sa bawat segundong lumilipas ay mas lalo lamang sumisikip ang dibdib ko. Hindi dahil nakikita ko ang pagkakalapit nilang dalawa. Kundi dahil alam ko ang mga bagay na hindi pa alam ni Alexandrea. Nakikita ko kung paano siya pakitunguhan ni Damian. Kung paano ito magpakitang-gilas. Kung paano nito pilit binubuo ang imahe ng isang mabuting lalaki. At ang nakakainis dahil mukhang gumagana iyon. Napahigpit ang hawak ko sa baso. Nang makitang hinawakan ang kamay ni Alexandrea, ngunit pinilit kong kontrolin ang sarili ko. Hindi ito ang tamang oras. Wala pa akong sapat na ebidensyang maihaharap kay Alexandrea. Kapag lumapit ako ngayon at nagsalita nang walang patunay, mas lalo lamang akong magmumukhang seloso at desperado. At siguradong ikatutuwa pa iyon ni Damian. Kaya nanatili ako sa kinauupuan ko. Habang kausap ang kaibigan ko. Paminsan minsan ay lihim kong minamasdan si Alexandrea. Patuloy lang sa pagmamasid at pilit na nilulunok ang selos na unti-unting kumakain sa akin. Makalipas ang ilang minuto ay tumayo si Damian. May sinabi ito kay Alexandrea bago nagtungo sa direksyon ng restroom. Mabilis akong nag-isip bago dinampot ang towel at pinunasan ang bibig. Nagpaalam muna siya sa kaibigan, sabi niya hintayin siya at sabay na kaming uuwi ng bahay. Nasa isang compound lang naman. Habang naglalakad patungong men’s room, mabilis gumagana ang plano. Hindi ko palalampasin ang pagkakataon na ito. Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa at binuksan ang voice recorder o na ang pagkakataon. Hindi para manggulo. Kundi para bigyan siya ng babala. Pagpasok ko sa restroom ay wala nang ibang tao sa loob. Sobrang tahimik, maliban sa tunog ng umaagos na tubig. Naroon si Damian sa isa sa mga cubicle. Dahan-dahan kong isinara ang pinto ng restroom. Pagkatapos ay tumayo ako malapit sa sink. At nakaharap sa direksyon ng cubicle. Ilang segundo ang lumipas. Hanggang sa nagsalita ako. "Matagal mo pa bang balak lokohin si Alexandrea?" Biglang natahimik ang loob ng cubicle. Pagkaraan ng ilang sandali ay bumukas ang pinto nito. Lumabas si Damian, matalim ang tingin. Ngunit wala siyang bakas ng pagkagulat. Parang matagal na niyang inaasahan na maririnig mula sa bibig ko ang detalye ng pagkatao niya. "Ikaw na naman?" "Alam ko na kung sino ka." Bahagyang ngumiti si Damian. Ngunit hindi umabot sa mga mata niya ang ngiti. "Ano'ng alam mo?" "Tama na ang pagpapanggap." Tahimik siyang nakatingin sa akin. At habang tumatagal ay lalo lamang akong nakukumbinsing marami siyang itinatago. "Kung may sasabihin ka, sabihin mo." "Tigilan mo si Alexandrea." Biglang nawala ang ngiti sa labi niya. "Tigilan?" "Oo." Bahagya siyang natawa. "At sino ka para mag-utos?" Napakuyom ang kamao ko. Ngunit pinigilan ko ang sarili ko. Hindi ako narito para makipagsuntukan. Narito ako para magbabala. "Malapit ko nang makuha ang lahat ng kailangan ko." Sa unang pagkakataon ay bahagyang nagbago ang ekspresyon niya… kinabahan. "Anong ibig mong sabihin?" "Tiyak alam mo ang ibig kong sabihin." Muling bumalik ang malamig na tingin niya. At sa pagkakataong iyon ay alam kong tumama ang sinabi ko. "Tumingin ka sa sarili mo, Sebastian." Napangisi siya. "Iniisip mo bang maniniwala sa'yo si Alexandrea?" Hindi ako sumagot at nagpatuloy siya. "Kahit anong sabihin mo, ako ang kasama niya ngayon." Ngunit sapat ang mga salitang iyon para lalo akong mainis. Dahil alam kong sinasadya niya. Sinusubukan niya akong galitin. Sinusubukan niya akong mawalan ng kontrol. Kagaya ng dati kaya nawalan ako ng trabaho. At hindi ko siya bibigyan ng kasiyahang iyon. Kaya imbes na sumagot ay diretso ko siyang tiningnan. "Maghanda ka na lang." Tumigas ang mukha niya. "Para saan?" "Dahil kapag lumabas ang lahat ng katotohanan..." Dahan-dahan akong tumayo nang tuwid. "...hindi na ako ang magiging problema mo." Ilang segundo kaming nagtitigan. Parehong walang gustong umatras. Parehong may itinatagong galit. Ngunit sa huli ay ako ang unang tumalikod. Hindi pa ito ang oras. Hindi pa kumpleto ang lahat. At mas mahalaga ang ebidensya kaysa sa bugso ng damdamin. Habang palabas ako ng restroom ay isa lang ang nasa isip ko… malapit na. At kapag nakuha ko na ang lahat ng ebidensya... Ako mismo ang maglalahad ng buong katotohanan sa harapan ni Alexandrea.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD