Sebastian POV. Nang makaalis sina Alexandrea, Mama Emz at ang aking ama... Kami naman ang sumunod na umalis. Tahimik ang buong biyahe. Walang nagsasalita. Lahat kami ay pagod. Higit sa lahat ako, hindi lang sa mga nangyari nitong mga nakaraang araw... Kundi sa pagkakalayo namin ni Alexandrea. Pagdating sa Maynila... Parang walang nangyari. Muli akong bumalik sa dati kong routine. Gigising nang maaga. At kagaya ng bilin ni Alexandrea, araw-araw akong pupunta sa winery. Lihim kong inaalam kung maayos ang pamamalakad ng kumpanya. Pagkatapos ay magrereport ako kay Alexandrea sa pamamagitan ng mga y-mails. Pagsapit ng hapon, uuwi na ako, ang araw-araw kong routine ay walang pinagkaiba sa mga normal na empleyado. Pumapasok ako sa tamang oras diretso sa sikretong silid. Doon ako maglal

