CHAPTER 85 THE MAFIA LADY BOSS JOEMAR ANCHETA Nagkatitigan sina Liam at Leigh. Wala nang bakas sa mga mata nila ang dati’y nag-aalab na pagmamahalan. Galit ang naroon. Galit na ang tuluyang bumabalot sa dati ay pag-iibigan nilang nararamdaman. Hinila ni Leigh si Liam saka niya pinaunang itinulak para maglakad. “Lakad!” Hindi tumitinag si Liam. “Tang-ina hindi mo ba ako narinig? Lumakad ka o kaladkarin kita hanggang sa sasakyan ko!” “Tang-ina mo rin! Hayop ka! Ikaw pala ang pumatay kay Daddy, kung alam ko lang, sana inunahan na kitang hayop ka!” tinuhod ni Liam ang sikmura ni Leigh. Ramdam niya ang kakaibang sakit. Hirap siyang huminga. Hindi niya alam kung paano maibsan ang sobrang sakit na iyon. Tumawa si Pingris at ilan niyang mga tauhan. “Tang-ina ninyo ah! May nakakatawa?

