CHAPTER 86 THE MAFIA LADY BOSS JOEMAR ANCHETA Binunot ni Leigh ang kanyang baril. Nanginginig niyang itinutok iyon sa ulo ni Liam. Bumunot siya ng malalim na hininga. Ikinasa niya ito. Isang kalabit lang sa gatilyo matatapos na ang lahat. Ito na lang ang tangi niyang magawa para kay Liam. Kaya ba niyang tapusin ang buhay ng taong tanging niyang minahal ng matindi? Ang hideout sa bahaging iyon ng Cavite ay isang malaking lumang bahay. Malayo ito sa kabahayan. Masukal na kagubatan ang paligid. Dinisenyo para maitago ang mga nangyayari sa loob ng bakuran nito. Wala man doon nakatira ay regular naman itong pinalilinisan ni Eagle. Malayong mas elegante at maganda ang hideout nila sa NCR. Ngunit okey na rin naman ito lalo na kung ganitong may mga bihag silang dinadala para iligpit. K

