CHAPTER 74 THE MAFIA LADY BOSS JOEMAR ANCHETA “Pwede bang yakapin kitang muli? Kahit sa huling sandali.” Garalgal na pakiusap ni Leigh. Nagmamakaawa ang kanyang mukha. Nanginginig ang nakabukas niyang bisig. Humihingi ng isang huling yakap. Ng isang madamdaming paalam. Naglakbay ng kanyang mga luha. Bukod sa kanyang mga magulang, hindi siya umiyak ng kahit minsan sa kahit kanino maliban lang lagi kay Liam. Kahit pa kay Lucas ay hindi siya minsan naging ganito. Bigla na lang bumuhos ang kanyang luha. Dala ng matinding kagustuhan na sana hindi magwawakas sa ganito ang kaisa-isang pinanghahawakan niyang kaligayahan. “Please, Liam. Kahit isang huling yakap lang. Yung yakap na tayo pa. Yung yakap na hindi pa kalaban ang turing mo sa akin.” “Niyakap mo na ako kanina. Sapat na ‘yon. Mas lalo

