CHAPTER 73 THE MAFIA LADY BOSS JOEMAR ANCHETA Palabas na si Liam sa pintuan nang tumayo si Leigh para pigilan ito. Hindi niya alam ang kanyang sasabihin o gagawin para magiging maayos pa sila sa kanilang paghihiwalay. Hinawakan ni Leigh sa bisig si Liam at buong lakas niya itong hinila at niyakap nang mahigpit. “Hindi ba pwedeng maging simple lang ulit lahat?”nanginginig siya. Humahagulgol dahil sa ayaw niyang tuluyang mawala ang tanging taong nagparamdam sa kanya ng pagmamahal. Ang lalaking minsan nang nawala sa buhay niya. Ang lalaking nagsakripisyo noon sa kanya. Gusto niyang ipaintindi kay Liam na tanggapin siya ng buo. Bigyan siya ng panibagong pag-asa na mabuhay sa gitna ng mga walang katiyakan, na pwede pa rin pala siyang mahalin sa kabila ng kanyang pagiging makasalanan. “Alam

