CHAPTER 89 The MAFIA LADY BOSS JOEMAR ANCHETA Bumukas ang pintuan. Parang tumigil ang mundo nina Liam at Mia. Hindi nila alam kung ano ang kanilang gagawin. “Lady Boss, andito na si Eagle. Binaril na niya sa ulo si Ancheta.” Si Pingris iyon. Sasagot pa lang sana si Mia nang biglang sa isang iglap ay nasa pintuan na si Eagle. “Tang-ina anong ginagawa mo!” singhal ni Eagle nang makitang nakakalag na ang tali sa paa ni Liam. Kinabahan si Mia. Hindi niya alam kung ano ang kanyang gagawin at idadahilan. Iniwan niya sa kanang palad ni Liam ang kutsilyo. Humarap siya kay Jaguar. Tuyo ang lalamunan at nanigas ang kanyang dila. Tumigil bigla ang inog ng kanyang mundo. Paano niya ngayon lulusutan ito? Kailangan niyang makaisip agad ng magandang idadahilan. Hindi siya dapat nito pagdudah

