CHAPTER 90 THE MAFIA LADY BOSS JOEMAR ANCHETA Umatras ang noon ay maluha-luha nang si Mia. Hirap na hirap na siyang nakikita si Liam na pinahihirapan. Kung may magawa lang sana siya. “Ano ha? Magmamatigas ka pa bang hayop ka?” “Patayin mo na lang ako…” mahinang tugon ni Liam. “Ah gano’n e di sige, lulumpuin muna kitang hayop ka!” pinalo nang pinalo ni Eagle si Liam sa paa, paulit-ulit hanggang sa napaluhod ito at tuluyang bumagsak. Sa pagakakataong iyon. Yumuko si Mia. Hindi na niya kinakaya. Nanginginig na nga kanyang kamay na nakahawak sa kanyang baril. Gusto na niyang matapos ang lahat ng nasasaksihan niyang paghihirap ni Liam. “Hindi ka makakatayo putang ina mo! Hindi-hindi ka makakalakad para makatakas. Dito ka lang hanggang Mamatay ka kung ayaw mong sumapi sa amin!” Yumuko

