CHAPTER 99 THE MAFIA LADY BOSS JOEMAR ANCHETA Sinenyasan ni Mia na pumasok na si Liam sa baba ng papag ngunit matigas ang ulo nito. Walang magawa si Mia nang pumuwesto na si Liam sa kabilang bahagi ng pintuan. Nag-antabay silang dalawa sila. Mapipilitan silang patayin kung sino man ang nagpupumilit makapasok. Pigil ang kanilang paghinga. Hindi sila pahuhuling buhay at hindi din sila papayag na mamamatay ang isa sa kanila ngayong natagpuan na nila ang tunay na ligaya sa piling ng isa’t isa. “Ate! Ate Mia! Ate, nasa loob ka ba?” Kumatok na sa pintuan ang intruder nang hindi nito mabuksan ang pintuan. “Si Dodong?” Ibinaba niya ang kanyang baril. “Ate ako ‘to. Si Dodong ‘to. Nandiyan ka ba?” “Si Dodong nga.” “Sinong kasama mo?” “Ako lang ho?” “Wala bang nakasunod sa

