CHAPTER 100 THE MAFIA LADY BOSS JOEMAR ANCHETA “Maunawaan ng Diyos ang lahat. Mapagpatawad.” Hinalikan ni Liam ang labi ni Mia. Pumikit si Mia. Ninamnam niya ang tamis ng labi ni Liam. Kinabukasan ay nakita din ni Dodong kung paano magtulungan ang dalawa sa panghuhuli ng isda at pamimitas ng gulay. Pati sa pagluluto. Hindi man sinasabi sa kanya ng diretsuhan pero batid niyang may namumuong pag-iibigan sa pagitan ng dalawa. Naging malinaw na ang lahat sa kanya kung bakit pinili nitong makipaghiwalay kay Kuya Lucas niya at itinakas ng Ate Mia niya si Kuya Liam niya kahit pa magiging delikado na ang buhay nito. “Ate, pwede bang dito na din lang ako. Ayaw ko na hong umuwi,” pakiusap ni Dodong. “Hindi pwede. Nag-aaral ka pa. Isa pa, baka madamay ka lang dito.” “Andito ka naman e.

