CHAPTER 105 THE MAFIA LADY BOSS JOEMAR ANCHETA Nagsindi si Lucas ng sigarilyo gamit ang kanyang lighter. Sandaling nagtext ito. Bumuga ng usok. Tumingin siya kay Mia. “Ito talaga ang buhay na ipinalit mo sa maayos naman na pagsasama natin noon?” Dumura si Mia ng dugo. “Mas nanaisin kong mamatay na lang kaysa mabuhay sa kasamaan. Tapos na ang misyon ko sa buhay. Wala na akong mahihiling pa. Wala na akong sapat na dahilan para manatili sa mundo.” “Hindi ka ba manghihingi ng tulong sa akin? Ayaw mo bang magmakaawa? Ako na lang ang pag-asa mo ngayon para makatakas kasi yung pulis mong boyfriend, hayon, tumalon na yata diyans a bintana para iligtas ang buhay niya.” “Hindi ko gagawin ‘yon. Hindi ko gustong itakas mo ako at ikaw ang hahanapin nila. Gusto kong mabuhay ka, Lucas, gusto kong

