CHAPTER 104 THE MAFIA LADY BOSS JOEMAR ANCHETA “Black Mamba! Sumuko ka na, hindi ka makakatakas! Papatayin ka namin!” sigaw iyon ni Pingris. Napailing si Mia. May katagahang taglay talaga si Pingris. Alam niya kung saan nanggagaling ang sigaw na iyon. Gumapang siya sa likod ng mga matatayog na gulayan. Kailangan niyang ikutan ito. Hindi pa siya nakakalayo ng gapang ay nakita niya ang isa pang kasamahan nina Pingris na tumakbo papunta sa kubo. Si Scarlet. Si Liam ang bigla niyang naisip. Kukunin nila si Liam sa kanya. Iyon ang ang talagang ipinunta nila dito. Sadya ng kalaban na patayin siya at si Liam ay dapat mahuling buhay para mabitag muli nila. Nakailang putok na si Liam. Paniguradong wala na itong bala pa. Wala na itong proteksiyon pa. Hindi na siya papayag pang pahirapan nil

