Chapter 103 The MAFIA LADY BOSS JOEMAR ANCHETA Lingid sa kaalaman ng lahat, naghahanda na ang mga tunay na kalaban na nasa kagubatan para umatake. “Tandaan mong may patong na ang ulo mo kay Eagle kaya kikita ako sa’yo kapag pinatay na kita ngayon.” “Sige, subukan mo nang isasabay na kita.” “Hinahamon mo talaga ako?” “Lucas ano ba? Ibaba mo nga ‘yan!” pumagitna na si Mia sa kanila. “Sige na Liam, doon ka na sa loob. Ako nang bahala dito. Ako na ang kakausap sa kanya.” “Sige, pauwiin mo na nga ‘yan at baka kung ano pa ang magawa ko sa kanya.!” “Pasalamat ka, nirerespeto ang sinasabi sa akin ng babaeng mahal ko. Hindi mo ako kilala Lucas. Hindi kita aatrasan.” “Ulol! Matapang ka e wala ka namang binatbat!” Hindi na sumagot pa si Liam. Nakita niya kasing nakikiusap ang mga mata n

