CHAPTER 102 THE MAFIA LADY BOSS JOEMAR ANCHETA “Dong sandali lang! Dong!” hahabulin sana ni Mia si Dodong pero pinigilan siya ni Liam. “Hayaan mo muna. Bata ‘yan kaya pabigla-bigla ang emosyon at desisyon.” “Dong!!!” Hindi na lumingon pa si Dodong kahit tinatawag pa rin siya ni Mia. Mabilis niyang tinalunton ang pilapil hanggang sumuot na siya sa masukal na kagubatan. “Hayaan mo muna. Marerealize niya din lahat. Pabayaan mo munang mag-isip siya.” Niyakap ni Liam si Mia. Masuyo niyang hinagkan ang labi nito saka niya niyakap muli. Naisip ni Mia na tama si Liam. Sinubukan na niyang magpaliwanag kanina ngunit hindi nakinig si Dodong. Kahit pa habulin niya ito, pigilan at pakiusapan wala pa ring mangyayari. Hayaan na niya munang lumayo at makapag-isip-isip. Sigurado naman si

