CHAPTER 94 THE MAFIA LADY BOSS JOEMAR ANCHETA Mabilis niyang pinuntahan si Liam. Binuhat niya ito. Ngunit may nahalata siya. Hindi pwede. Hindi siya makapapayag. Kinabahan na siya. “Doc, mukhang hindi na humihinga pa si Liam.” Mabilis na nagsilapitan ang lahat. Nineneybiyos. Nagsimula nang umiyak ang Mommy ni Liam. Siya man ay parang kandilang unti-unting natutunaw. Kung may masamang mangyari kay Liam, babalikan niya ang lahat. Lintik lang ang walang ganti! “Sandali ng. Tumabi ka muna diyan.” Mabilis na nilapitan ng Doctor si Liam. Pinakiramdamam niya ang pulso nito. Wala. Hindi na nga ito humihinga pa. Kahit ang Doktor ay ninenerbiyos na. Alam ni Mia na patay na si Liam. Nanginginig na siya. nanlalambot. Hanggang sa tuluyan na siyang napaupo sa tabi. Humahagulgol. Kasalanan n

