Nagkakape ako sa may dinning table ko nung pumasok sa loob ng kusina si Acey. Naka-black nighties pa sya na ninakaw nya sa closet ko. Dito na sya natulog dahil ang sabi nya tinamatamad daw syang umuwi kaya nagpumilit syang dito na matulog. At hindi kami tabi matulog, sa guestroom ko sya pinatulog na dapat ay nasa couch lang sya. "Goodmorning babe..." hikab hikab na sabi nya. Napatingin ako sa katawan nya pero mabilis ko lang din inalis ang tingin ko. "Anong almusal?" ang kapal talaga ng babaeng 'to, kung makatanong akala mo yaya nya ako. "Wala, kape lang ang almusal ko sa umaga." sabi ko sa kanya na ikinatingin nya sakin. "Walang laman ang tyan mo hanggang tanghalian? on diet ka ba? please lang tigilan mo yan dahil sexy ka na." parang wala lang sa kanya yung sinabi nya sa huli dahil nag

