"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko kay Acey nang makita na naman sya sa tapat ng condo unit ko. "Tita Acey!" masiglang sigaw ni Kevin at patakbong sinugod si Acey. Talaga naman oh tuwang tuwa talaga ang batang 'to sa babaeng yon. Tumingin sya sakin at ngumiti. "May ipapakita ako sayo kaya ako nandito." Napataas kilay ko. "At ano naman yon?" lumakad ako papunta sa kanila at binuksan ang pinto. "Pero pakainin mo muna ako." agad akong napatingin sa kanya at all smile naman sya. "Kapal." sabi ko sa kanya. Pumasok kami sa loob. "Wow mommy! ang ganda ng condo nyo po." ngayon lang kapasok ng condo ko si Kevin since itinatago ko nga ito sa kanila ni Lorenzo. Miski nga si Jelly hindi alam 'to kaya nakakapagtataka na alam ito ni Acey. Simula rin ngayon ay dito na titira si Kevin dahil magba

