"SUMAMA KA NA..." Tatanggi pa lang ako nang magpa-cute siya, kaya natawa ako. Inakbayan ako ni Fourth kaya wala na akong nagawa kung hindi sabayan siya sa paghakbang palabas ng gate, hanggang sa makapasok kami sa kaniyang sasakyan. Ngayon lang naman. Saka uuwi din ako agad. Sa bahay nina Dalton kami nagpunta. Kasama ng mga lalake ang kanilang mga nobya at bihis na bihis ang mga 'to. Samantalang jeans naman at university shirt ang suot ko. "Mabuti naman at nahila mo si Almira." Nakipag-fist bump ako sa mga ito. "Tara na, samahan ka na muna naming magbihis." "Huh? Saan tayo pupunta?" "Wala akong damit." "May dala akong damit para sa'yo. At huwag ng madaming tanong." Nilingon ko si Fourth at nakita ko ang lalake na wala ng suot na tshirt. Pinagpag nito ang polo na inabot sa kan

