"Bakit ka ba naglasing?" nayayamot kong tanong kay Fourth habang tinatanggal ang suot niyang sapatos. Tapos na ang kasal namin at narito na kami sa kaniyang condo. Hindi iyong condo niya kung saan kami noon gumawa ng milagro. Inawat ko na siya kanina, e. Pinagsabihan ko din ang mga kaibigan niya pero nagpakalasing pa din naman. "Paano tayo magha-honeymoon niyan?!" yamot kong tanong. Umungol siya at pinilit na bumangon. "Naku, matulog ka na nga lang. Nakakainis ka!" Ewan ko din ba kung bakit ako naiinis. Basta ang alam ko lang paasa siya. Ang yabang-yabang niya kahapon, may pasabi-sabi pa siyang ihi lang ang pahinga tapos wala naman palang magaganap ngayong gabi. "Matulog ka na!" Pumasok ako sa walk in closet niya upang hubarin ang suot kong gown. Kumuha ako ng malinis na tuwalya

