"Oh, bakit nagagalit ka? Akala ko ba wala kang pakialam sa kaniya?" Inagaw ko ang remote na hawak ni Kane upang maghanap ng ibang movie. "Wala nga akong pakialam! Kahit pa gabi-gabi siyang mag-bar at mambabae." Tumawa si Kane na mas lalo ko pang kinayamot. "Ano'ng nakakatawa?" "Wala naman." He sighed and look at me seriously. "Kaibigan mo ako kaya naman bibigyan kita ng advice. Kausapin mo siya at makipaglinawan o kaya mag-set ka ng rules sa relasyon niyong dalawa, or puwede ka ding mag-back out." "Kung mag-back out ako, malaking kahihiyan 'to sa buong pamilya namin," agad ko namang sagot. Ano na lang ang sasabihin ng mga tao, ng mga parents namin? "You have a point. And besides wala ka namang boyfriend at wala ka ding matipuhan sa mga pinapa-date sa'yo, e di, doon ka na lan

