Bumili kami ng bulaklak at kandila bago kami dumiretso sa sementeryo. Nilapag ni Myrrh ang basket ng bulaklak na siya pa mismo ang pumili kanina sa flower shop. Nilapag ko din ang dalawang klase ng laruan. Pambabae at panlalake dahil hindi namin alam kung ano ang kaniyang kasarian dahil nagsisimula pa lang siya noon na mabuo sa aking sinapupunan nang siya ay mawala. "Hello, twinnie!" Kumaway si Myrrh rito. Nang mangawit ay lumuhod din siya at nagsimulang makipag-usap sa kaniyang kambal. "I don't know what is your name. Maybe daddy and mommy should've given you a name atleast." Nagkatinginan kaming mag-asawa.. "Wait, are you a boy or a girl?" "Hmmm..." Nilagay niya ang kaniyang kamay sa kaniyang labi habang nag-iisip. "I think you're a boy. A boy because I want a boy sibling."

