MALINIS NA ANG CONDO KO. Literal na malinis dahil nabawasan ako ng mga gamit. Para kaming nadaanan ng bagyo. Iba pala ang nagagawa ng natigang ng matagal. Tapos miss na miss pa namin ang isa't isa. Hindi na ako bibili ng pamalit doon sa mga nasira namin. Mamaya ay lilipat kami sa condo niya at doon kami muna mag-stay habang pinapa-renovate niya ang isa sa kuwarto sa bahay na pinatayo niya last year. Katatapos lang naming mag-snacks. Nakahiga kami dito sa sofa habang nanonood ng movie. Masakit ang katawan namin dahil sa pinaggagawa namin ng magdamag. Binaling ko sa kaniya ang aking tingin dahil napansin ko na para bang ang lalim ng kaniyang iniisip. "What are you thinking?" Para bang ang lungkot niya. Nakaramdam tuloy ako ng pangamba. Ano kaya ang nasa isip niya? He looked at me a

