CHAPTER 3

1052 Words
ANGEL POV Nakaupo ako dito sa loob ng restaurant ni Cindy at kanina pa nakatulala habang iniisip ang mga nangyayari. Hindi lang ako makapaniwala na mag iinit kanina si Uncle Lucas at hahawakan niya ang boobs ko sa unang pagkakataon sa loob ng mahabang panahon. Tila ay naiinip na siya na may mangyari sa amin. Not yet ready pa ako na ibigay ang sarili ko sa kanya ngunit sa parehas na pagkakataon, natatakot na ako na paano kung halimbawa na mawalan ako ng career kapag tinakot niya ako? Pero siguro ay malabo rin itong mangyari. Mabait siya sa akin bilang lihim na boyfriend at manager. Wala akong masasabi sa kanya kasi sa lahat ng events ko ay kasama siya. Napaka supportive na lalaki kaya nga mas lalo ko pa siyang minamahal. Ngunit bakit ganoon? Bigla na lamang nagbago ang ihip ng hangin at naging mapangahas na siya at gusto niya na akong makapag tapos ng pag aaral? Aksaya lang ito sa panahon ko! Sa dami ng mga projects ko, ayaw ko na may ma saalang alang ng dahil sa pag aaral ko. Akala ko noong una ay wala na kaming problema pagdating sa ganitong bagay sapagkat napag usapan na namin ang tungkol rito noon nang nag uumpisa ako sa showbiz. Ayaw niya pang sabihin subalit batid ko naman na naapektuhan na siya sa mga bashers kong wala pang nararating sa buhay at kung makalait ay ang tatalino. Mag post lang ako ng may maling grammar, big deal na sa kanila at tumaba lamang ako ng kaunti, sasabihan na akong matabi. At may ilan pa na pinupuna ako sa pag arte ko. Halos lahat ng gagawin ko at sasabihin, may masasabi sila! Bumalik ako sa realidad ng umupo si Cindy sa harapan ko at may dala siyang dalawang milk shake na parehas strawberry. Alam niya na ito ang paborito kong inumin kapag nasa set ako kasi nakaka gaan sa mood. Tinulak niya ang isa papunta sa akin. "Thank you for a milk shake!" nakangiti kong pagpapasalamat sa kanya. "How this cost me?" Ang trying hard ko talaga mag English. Ilang minuto ko rin yan pinag isipan kaya sana ay tumama ako. "Thank you for the milk shake and how much this cost!" pag correct niya sa grammar ko, hay nako, mali na naman ako again! "Pero wala yang bayad since friend kita. Bakit ka ba nag punta rito, beshy? Naka pambahay ka pa, himala na lumabas ka ng naka ganyan kasi ang parati mong sinasabi sa akin, gusto mong palaging bongga ang suot mo!" dagdag niya pa. Kinuha ko ang milk shake at tinusok ko ang straw rito sabay inom. Muli akong tumingin sa kanya matapos kong uminom. "Ayun, nag away kami ng Uncle ko kanina. May sinabi siya sa akin na labis akong nasaktan kaya nag tampo ako sa kanya at nag punta rito. Pasensya ka na kung naaabala kita ha? Alam kong weekend ngayon at busy ka sa negosyo." "Walang problema. Madalang na rin ang mga projects ko kaya nagiging tutok na ako sa negosyo. Tama nga sila, walang permanente sa showbiz. Lahat ay nalalaos kaya kaylangan mag hanap ng ibang raket. Anyway, maaari ko bang malaman ang sadya mo rito? Kitang kita ko kasi sa mukha mo na problemado ka na Angel. It seems like ang tindi ng tampo mo sa kanya." Muli akong napainom ng milk shake. Ang sarap talaga ng ganito sa restaurant niya kaya hindi na nakakapagtaka na marami rin ang nag orders dito. "Eh kasi," sambit ko, nilapag ko ang milk shake sa table bago muling nagsalita, "Gusto niya na ipagpatuloy ko ang aking pag aaral. Sinabi ko na wala na akong planong bumalik subalit inenrol na niya ako sa school kaya heto ako, sobrang lungkot. Ano ang mapapala ko sa pag aaral ko kung malaki ang kinikita ko sa showbiz? Dito ako mas nakakaipon kaya kahit na hindi makapag tapos ay okay lang!" "Kalma ka okay? Ano ba ang course na kinuha niya para sayo?" "Culinary!" sagot ko, "Pala desisyon siya sa buhay? Bahala siya, wala na akong planong mag aral ulit kaya mas magandang mag artista ako. Kung ako sa kanya, bawiin niya ang pinambayad niya ng tuition sa ADMU dahil masasayang lang ito!" "Ako rin naman, babalik sa pag aaral kaya parehas na tayo pag nagkataon. At parehas tayo ng course na kukuhain kaya bumalik ka na sa pag aaral. Gusto ko kasi matutuhan kung paano mag luto kaya ako ang enrol. Hindi pang habang buhay ang pagiging isang artista kaya dapat may plan b." Matapos niya itong sabihin ay natulala ako sa kanya ng ilang sandali. Never kong naisip na mag aaral pa siya eh may business pa siya. "Teka Cindy, may mga negosyo ka na di ba? Paano itong restaurant mo at ang pag aartista mo? Mahirap yan pagsabay sabayin." "I know that ngunit nag usap na kami ni Mom and she said na siya muna ang bahala sa mga business ko while I am studying. Ito ang choice ko at katulad ng sinabi ko kanina ay madalang na ang mga offers sa akin kaya need ko nang i secure ang aking sarili. Tara na, aral na tayo ulit kasi nakaka miss din ito. At tsaka kasama mo na ako, tutulungan kita sa abot ng aking makakaya para parehas tayong maka graduate sa school with flying colors." Napangiti ako, nang dahil sa sinabi niyang ito ay nagkaroon na tuloy ako ng lakas ng loob na bumalik sa pag aaral. Pero basta palagi niya akong papakopyahin lalo na sa English kasi alam niya na boba ako pagdating sa subject na yan. Mabait na babae itong si Cindy at natitiyak ko na sabay kaming makaka graduate. Siya lang din pala ang magpapa convince sa akin na bumalik sa pag aaral ko. Who you na ang mga bashers ko sa pagbabalik ko sa pag aaral. "Sige, kung babalik ka sa pag aaral ay mag aaral na rin ako. Siya nga pala, lilipat na kami bukas sa condo unit na bago ni Uncle Lucas. Hindi naman linggid sa kaalaman mo ang paglipat namin gawa ng mga fans ko na hanggang sa bahay ay sinusundan ako. Nagrereklamo na nga ang lahat ng tao sa lugar namin dahil sa kanila. Iba talaga maging sikat, oo masarap sa pakiramdam ngunit nakakapagod din minsan. Halos wala na ring privacy."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD