ANGEL POV
Mabilis akong umalma sa nangyari. Bata pa ako at ayaw ko pa na ibigay ang sarili ko sa kanya. Gusto ko muna unahin ang aking career dahil sa madali lamang malaos ang isang artista. Sa dami na rin ng mga nag susulputan na bago nitong taon, hindi ako makakapayag na may pumalit sa pwesto ko.
Need ko pang mag ipon ng pera sa future. Kaya mabilis akong nag react ng lamasin niya ang boobs ko.
"Uncle Lucas... ba... bakit..."
Hindi niya pinansin ang pagsasalita ko. Sa halip ay mapangahas niyang ipinasok ang kanyang kamay sa loob ng aking damit at nilamas niya ang kaliwang boobs ko na nakatago sa bra ko. Sa pagkakataon na ito ay hinawakan ko na ang aking kanyang kamay. Tila nga ay nag iinit na siya at gusto na palalimin pa ang nangyayari sa amin.
"Teka Uncle..."
"Parati na lamang tayo nag hahalikan... we have been together for three years at natitigang na ako na palalimin pa ang relasyon natin. Siguro naman ay sapat na ang tagal ng relasyon natin para isuko mo na ang sarili mo sa akin. At tsaka secured na ang future mo sa akin, wala nang masama kung ibibigay mo na ang isang bagay na matagal ko nang hinihingi. Patunayan mo na mahal mo ako kaya ibigay mo na ito sa akin bago tayo lumipat sa condo unit ko."
Ang bigat ng kanyang hinihingi at hanggang ngayon, I am not ready na ibigay ang sarili ko. Paano na lamang kapag wala na ang virginity ko? Baka pumanget na ako ng husto. Mahal ko siya pero mas mahal ko ang career ko kaya sana ay maintindihan niya ang aking pagtanggi.
Pero ayaw ko na sabihin ito ng may pagtataray kaya naman hinawakan ko na siya sa kanyang pisngi at ngumit katulad ng parati kong ginagawa kapag may bad news akong sinasabi sa kanya.
"Sorry babe ngunit baka pwede mo pa akong bigyan ng kaunting panahon? Ibibigay ko rin ang sarili ko sayo. Di ba may big project pa akong gagawin? Yung movie na ako mismo gaganap?"
Nakikita ko ang pagkadismaya sa kanyang mukha at napagtanto ko na kahit sa paanong paraan ko ito sabihin ay masasaktan siya.
"Don't worry, may malaking project kang paparating pero gusto ko na bago ko yan papirmahan sayo ay pumayag ka nang ibigay ang sarili mo sa akin. Wag kang matakot, ako ang bahala sayo. See, I am doing my best para mapunta sayo ang role na para kay Cindy. Ilang beses ko na itong ginawa noon at kaya ko ito ngayon."
Nagulat ako sa sinabi niyang ito. Ito ang unang pagkakataon na sinabi niya ito sa akin. Kaibigan ko pa naman si Cindy kaya masakit sa tenga ang narinig ko.
"Teka, ibig sabihin ay ilang beses na niyo itong ginagawa?"
"Shhh!" sambit niya ng ilagay ang kanyang daliri sa bibig, "Wag kang maingay sa kanya kasi magkaibigan kayo. Ganito talaga sa mundo ng showbiz, palakasan na ang uso at tsaka nakikita ng mga producers na mas may kita sila kaysa sayo dahil hindi hamak na mas mahusay ka kumpara sa kanya kaya ikaw ang nilaban ko sa producer. Alam ko na nakakapagod ang ganito para sayo ngunit tandaan mo na nasa peak ka ng iyong career kaya samantalahin mo na ang pagkakataon.
Katulad ng paulit ulit kong sinasabi sayo, hindi ka pang habangbuhay na sikat. Darating ang panahon na malalaos ka kaya kaylangan galingan mo at grab lang ng opportunity. Ngunit may isang bagay pa pala akong gustong sabihin sayo!"
Humiga siya sa tabi ko at humarap sa akin. Nawala na ang init ng kanyang mga mata at masasabi ko na boyfriend ko na ang katapat ko ngayon.
"I want you to be back on school. Ipagpatuloy mo ang pag aaral mo kahit na labag sa loob mo."
Ngingiti na sana ako subalit mas lalo pa akong napasimangot sa sinabi niya. Hindi ko nga inaasahan na makakarinig ako ng ganito sa kanya. Malamang ay nagpapa apekto na siya sa mga sinasabi ng bashers ko. Tinatamad na akong bumalik ng school, walang pera doon. Mas maganda na mag artista na ako kas nag uumapaw ang blessing dito. Wala nang saysay ang edukasyon para sa akin.
"Ano? Hindi na ako babalik pag aaral Uncle Lucas. Wag nga kayong magpapa apekto sa mga bashers ko. Ako pa nga ang nagpapatunay na kahit wala akong college degree ay umasenso pa rin ako sa buhay. Eh sila kaya? May diploma nga sila ngunit wala silang sinabi sa mga natatamasa ko. Ipabuhat ko pa ang mga awards ko sa kanila para magkaroon sila ng luslos. At tsaka matanda na ako para bumalik sa pag aaral. Para na akong ate ng mga ibang students kaya pass na po ako Uncle!"
Nanatiling seryoso ang kanyang tingin sa akin, "Dahil yan ang pangarap ng mga magulang mo para sayo, ang makapagtapos ka ng pag aaral. Oo, naiintindihan kita na marahil ay mas mataas ang sahod sa pag aartista at malamang ay proud ang mga magulang mo pero tuparin mo pa rin ito. The fact of the matter is, inenrol na kita sa ADMU University nitong nakaraang araw. Don't worry, inadjust ko na ang schedule mo sa school kaya hindi ito makaka apekto sa trabaho mo!"
Never pa kaming nag away ni Uncle sa loob ng ilang taon naming relasyon kasi panay ang sunod ko sa lahat ng utos niya. Pero hindi na sa pagkakataon na ito. Ayaw ko nga mag aral kasi masakit sa ulo lalo na ang English. Baka masira ang beauty ko nito sa stress.
"Never akong babalik sa pag aaral, bahala ka diyan, Uncle! Pala desisyon ka sa buhay, parati kitang sinusunod sa lahat ng mga gusto mo dahil sinasabi mo na ito ang makakabuti sa career ko ngunit sa pagkakataon na ito ay susuwayin kita, I hate you!"
Tumayo na ako at binato ko pa siya ng unan ko. Lumabas na ako at sinundan niya ako habang patuloy sa pagtawag sa pangalan ko. Dinedma ko siya sapagkat ang tindi na ng tampo ko sa kanya.
Nang nasa gate na ako ng bahay namin ay lumingon ako sa likuran ko at si Uncle, patuloy pa rin sa paglalakad niya ngunit inirapan ko siya at lumabas na ako. At nagulat ako ulit ng makita ko ang mga fans ko na nandito sa labas.
Ayaw ko sana maging rude sa kanila ngunit wala ako sa mood kaya nag para ako ng taxi at nakipag kita kay Cindy sa restaurant na pagmamay ari ng mga magulang niya sa Makati.