“CLINT! BRO! Tamang-tama andito ka. Look who’s here. Still remember her?” Gusto na lamang ni Syrene na lamunin ng lupa ora-mismo lalong-lalo na nang tiim-bagang siyang tiningnan ni Clint. Halos mapaso siya sa paraan ng pagtingin nito sa kanya. Sinubukan ulit niyang hilahin ang kamay galing sa pagkakahawak ni Jacob. Mabuti na lang at binitiwan na rin nito. “Of course,” nagtatagis ang mga bagang na sagot ni Clint sa kaibigan nito ngunit nanatiling nakatingin kay Syrene. “How can I forget?” Tumawa si Jacob. “Bro, c’mon. Past is past. Matagal-tagal na rin siyang nawala sa paparazzi world. Let’s give her a chance now as an actress,” ani ng lalaki na wala pa ring ka-ide-ideya sa totoong dahilan kung bakit nanggagalaiti sa galit si Clint. Tumikhim ang dalaga at agad na kinuha ang oportuni

