"Araullo Fajardo?" Nagtatanong ang mga tingin ko sa lalaking nakaupo sa leather sofa sa loob ng opisina. "Ako nga. Paano mo akong nakilala?" Balik-tanong nito. "We are investigating the death of the teenager you spoke with before he died, Jerome Rosales." Naupo ako sa katapat na single sofa nito, sa katabing single sofa naman umupo si Hannah. "We found your name and contact details in his pocket. Pinuntahan namin ang bahay mo, pero pinaulanan kami ng bala." "Nabalitaan ko nga. Naawa ako sa kanya, ang bata pa niya. Kaya ko siya kinausap ay para iligtas mula sa kuko ng grupong iyon. Kaya rin ako tumakas dahil pinagtangkaan nila ang buhay ko." Napahilamos ito sa mukha. "Ano ang nalalaman mo? Bakit gano'n na lang ang galit nila sa'yo? Bakit pati ako, at ako lang talaga?" Hindi ako mapapaka

