Wesley's Point Of View Para akong nabingi sa narinig ko. Hacienda Alfonso? "Sandali ... Hacienda Alfonso? Iyong may taniman ng mais?" Hindi pa rin ako makapaniwala. Nagtinginan kami ni Hannah. Tumango si Araullo. "Oo, duon nga. Alam mo ang Haceindang iyon?" "O-Oo ... I can't believe this. Wait," dinukot ko ang phone ko at hinanap ang lumang larawan ni Kuya Leo, iyong huling larawan na mayroon siya sa akin. Hindi pa rin naman nagkakalayo ang itsura niya nuon at ngayon, "ito ba ang nakita mo?" Inilapit ko kay Detective Araullo ang phone ko. Tinitigan nitong mabuti ang screen. "Hindi ko masyadong maalala. Nakatalikod siya sa gawi namin no'ng lumapit kami, tapos pinalayo kami ng kanang-kamay niya, bawal daw lumapit. Malayo na kami no'ng humarap siya sa gawi namin." Napaunat ako ng upo. Ma

