Wesley's Point Of View "At ano ang ginagawa ng kapatid kong suwail sa ama dito sa pamamahay ko?" Matigas na tono ni Kuya Leo, namulsa ito sa pantalon. "Hindi ko naman alam na bahay mo pala 'to. Aalis na kami." Malamig na tugon ko. Nilingon ko si Hannah na patungong sala at mukhang katatapos lang malinisan ang sugat. "Halika na, umalis na tayo." Nagtatakang nakamasid sa amin sina Victor, JR at Gerald. "Sandali." Pigil ni Senyora Cedes, na Ate Cedez ko siguro at mukhang pamangkin ko pa si Desiree. "Magkapatid kayo?" Lipat-lipat ng tingin ito sa amin. Mukhang nakaramdam yata ng tensyon sa paligid kaya tinawag ang yaya ni Desiree at pinaakyat ito sa taas. "Unfortunately." Tipid kong sagot. Hinawakan ko sa kamay si Hannah. "Let's go." "Hanggang ngayon ba ay titikisin mo pati ako? Ano ba an

