Umusad kami ng kaunti, malayo sa bahay para hindi mahalatang ang apartment na 'yon ang pakay namin. Isang oras din mahigit ang pinalipas namin bago nagpasyang gawin ang plano. "Let's go." Aya ni Victor. Lumabas ito ng kotse kaya bumaba na rin ako. Pasado alas-dose na at wala nang tao sa paligid. Nasa gitna ng malaking lote ang apartment ng nawawalang detective. May isa pang apartment na katabi ito pero mukhang wala ring tao. Naka-kadena ang gate kaya umakyat kami ni Donnel sa mababang bakod. Sumenyas si Donnel na maghiwalay kami at ikutan ang bahay. Sa kaliwa ako nagpunta sa side ng katabing apartment at sa kanan siya sa side ng apartment ng detective. Marahan akong lumigid sa katabing unit. Sinilip ko ang bintana sa gilid pero walang tao sa loob. Mukhang parehong abandonadong unit ang n

