CHAPTER 22

1561 Words

Sa HQ na ako naligo at nakatulog dahil hindi ako pinayagan ni Johnson na umuwi ng alanganing oras. Itinawag kasi sa kanya ni JR ang nangyaring pagpapaulan ng bala sa amin ni Donnel. Naalimpungatan ako dahil sa ingay sa labas ng presinto na tila putok ng baril. Lumabas ako ng sleeping quarters para alamin ang kaguluhan. "Wesley, dapa!" Hiyaw ni Donnel. Nakarinig ako ng ilang tunog ng armalite kaya napadapa ako agad. Halos mawasak ang lahat ng gamit sa loob ng opisina dahil sa sunud-sunod na pagpapaulan ng bala. "s**t!" Isinubsob ko ng maigi ang buong mukha ko sa simento. Tumataksik ang mga piraso ng papel, ballpen at kung ano-ano pa na natatamaan ng mga bala. Nagkabasag-basag na ang bintana. Ilang minuto rin ang lumipas bago namin narinig ang harurot ng sasakyan palayo ng presinto. "Sir

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD