bc

Turning Hate into Love

book_age18+
188
FOLLOW
3.7K
READ
heir/heiress
mystery
like
intro-logo
Blurb

Isang magandang dalaga ang lihim na umibig sa kanyang senyorito ngunit ang pagmamahal nito ay umiikot lamang sa babaeng anak ng katunggali ng ama sa negosyo.

Ibinigay niya dito ang pagkakababae ngunit hinde siya nito nakilala ng mahimasmasan galing sa pagkalasing.

chap-preview
Free preview
Chapter 1 : Ang Simula
"Tayo ngayon ay nagtitipon upang masaksihan ang pag-iisang dibdib nina Damien Mondragon at Emilia Acosta na—" hinde pa man tapos ang pari sa pag-aanunsiyo kung sino ang mga ikakasal ay umalingawngaw na ang sigaw ng isang babae. "Itigil ang kasal Father, buntis po ako at si Damien po ang ama.—Maawa po kayo sa batang dinadala ko." Umiiyak na sabi ng babaeng nakabandana ng itim na tinernuhan ng maluwag na itim na bestida at itim na facemask. "What? Honey is this true? Sino ka bang babae ka?" Histerical na sabi ni Emilia. "Damien why did you do this to me!" Kasabay ng malakas na sampal sa nobyo ay ang pagyugyog ng balikat nito dala ng paghagulgol. "Who the hell are you, woman?" Hon, I didn't know her, I swear!" Kinakabahang sabi ni Damien sa mapapangasawa ng maka-recover sa pagkagulat. Akala pa naman niya ay walang magtatangkang sirain ang kasal niya at hinde niya napaghandaan ang sitwasyong ito. "Anong hinde mo ko kilala? Damien ang kapal ng mukha mo pagkatapos mo akong angkinin ng paulit-ulit at buntisin ito ang gagawin mo?" Dugtong pa ng babaeng nagsimula ng kaguluhan sa kasal. "You bastard, bakit mo niloko nag anak ko? Emilia halika na, wala ng kasal na magaganap." Dumadagundong ang boses ng ama ng bride na si Armando Acosta. "Wait, what, no Hon, I don't know her. Please believe me." Halos magmakaawa si Damien sa babae na wag siya nitong iwan sa gitna ng kasalan. "No, wala ng kasal." Mahinang sabi ng bride at agad ng umalis... "Honey," sigaw ng lalaki ngunit hinde niya mahabol ang babae dahil hinarang na siya ng mga kaanak nito. Sinamantala naman ito ng babae at nagmamadali nang umalis kasama ang dalangin na sana ay hinde siya matagpuan ng lalaki dahil kilala niya ang ugali nito at siguradong hinde siya mapapatawad ng lalaking iniibig mula pa nuong siya ay walong taong gulang pa lamang. Kasabay din ng pagkakagulo ay ang pag-alis ni Don Ramil Mondragon sa simbahan na may malaking ngiti sa mga labi. "Ramil, san ka pupunta, 'yung anak natin kawawa naman," nag-aalalang tanong ng ina ni Damien na si Doña Camilla. "Mauuna na ako sa Hacienda, duon na tayo magkita." Simpleng tugon nito at nagpatuloy na sa pag-alis. "Anak, Damien, huminahon ka," sabi ng Dona sa anak ng makalapit. "Halika na muna sa mansyon anak, duon na tayo mag-usap." "Mama, why is this happening to me? How about Emilia? My wedding was ruined." Naiiyak na sabi nito at kaagad naman niyakap ng ina. "Boss, wala na siya, hinde na namin makita." Sabi nga tauhan. "Damn it, hanapin ninyo o kayong lahat ang malilintikan sakin 'pag hinde ninyo nahanap." Sigaw nito kay David, mas kilala sa tawag na Hangin dahil sa sobrang yabang nito, siguro marahil ay siya ang pinagkakatiwalaan ng amo. "Anak, huminahon ka at maayos din ito, everything will be alright, umuwi muna tayo anak." Sabi ulit ng ginang. "No Mama, I need to find that woman who ruined everything!" Matigas na tutol nito. "Kumikilos na ang mga tao mo, hayaan mo na muna sila. You need to rest anak." Pamimilit nito. "I love Emilia, Mama, pupuntahan ko muna po siya at baka mapaano ang batang dinadala niya. I will blame myself if she will suffer because of me." "Palamigin muna natin ang sitwasyon, galit pa sila at baka hinde ka lang nila pakinggan. Anak, there is always the right time for everything. Sa ngayon, umuwi muna tayo." Maawtoridad na sabi ng ina at hinawakan na siya sa braso nito kaya nagpatianod na lang muna siya. Sensible at puno ng wisdom ang ina kaya naman madalas ay mas nakikinig siya rito kaysa sa ama na masyadong perfectionist. Napakaganda ng ayos ng simbahan, maganda ang bride at malaki ang nagastos sa reception. Lahat ng ito ay nasayang sa isang iglap lang, ng dahil sa isang babaeng hinde niya sigurado kung sino pero base sa hubog ng katawan nito kahit malayo ay alam niyang kilala niya ito at sinusumpa niyang magbabayad ito. Malaki man ang nagastos ay balewala iyon sa mga Mondragon, sila ang sugar magnate sa bayan ng Sta. Monica. Humigit kumulang isang daang libong ektarya ang kanilang plantasyon at ang kabuuan ng buong lungsod ay sa kanilang pamilya. Siya si Damien Angelo Corpuz Mondragon, ang susunod na tagapagmana nito dahil nag-iisa lamang siyang anak ng mag-asawa dahil nagkaroon ng sakit sa puso ang ina kaya hinde na siya nasundan pa. Ilan sa kanyang mga pinsan ang nagnanais na maagaw ang pamamahala sa kanilang lupain. Sa kanyang ama kasi ipinagkatiwala ng kanilang abuelo ang pamamahala dahil ang mga kapatid ng ama ay hinde nakitaan nuon ng matanda ng hilig sa pamamalakad bagkus ay walang ginawa ang mga ito kundi magliwaliw at ngayong napalago ito ng ama ay gusto nilang makiagaw sa ginhawa. Sa edad na dalawampu't anim ay kabisado na niya ang pamamalakad ng buong Hacienda dahil naturuan na siya ng ama. Maliit pa lamang ay lagi na siyang sinasama nito sa mga business deal at transaction kaya lahat ng pasikot sikot sa negosyo ay alam niya. Ngayong tumatanda na ang Don ay pinaghahanda na siya nito bilang babong President at CEO ng kumpanya, ang Milagrosa Milling Company, seventy percent ng lugar ay sa sugar cane production, and twenty percent ay sa ibang produkto tulad ng kopra, bigas at iba't ibang mga gulay at ang natitirang sampung porsyento ay nanatili pang hinde na nagagalaw kasama na ang Virgin Forest. Pinasok na din nila ang export business sa iba't ibang parte ng mundo. Milagrosa is derived from his great grandmother, who started the sugarcane business. Pang-apat na generation na si Damien ng pamilya na nag-iisang tagapagmana ng lahat. Simple lamang naman ang pangarap niya, ang mapakasalan ang pinkamamahal na si Emilia na sinira lang isang babaeng hinde niya inakalang magagawa sa kanya. Hinde man siya sigurado sa pagkato ng misteyosang babae sa simbahan ngunit sooner or later ay malalaman niya din ito. Wala siyang hinde kayang kunin at walang maililihim sa kanya lalo at naganap ito sa lungsod na pagmamay-ari ng pamilya. Sakay ng kotse ay tahimik lamang si Damien, nasaktan at malungkot siya sa nangyari ngunit sa hinde malamang dahilan ay parang magaan naman ang kanyang loob sa hinde pagkakatuloy ng kasal. Alam din niyang ayaw ng mga magulang niya na matuloy ang kasal pero sinunod ng mga ito ang kanyang kagustuhan, Nasaktan din siya sa pag-alis kanina ng ama. Habang daan ay nagpadala na din siya ng mensahe sa tauhan. Kailangan niyang makasigurado. ACOSTA VILLA."Papa, bakit hinde mo hinayaang matuloy ang kasal?" Sabi ni Emilia sa ama, "Hinde ba at pinlano natin ang lahat ng 'to pati ang pagbubuntis ko para lang mapilitan siyang pakasalan ako? "Tumahimik ka Emilia, kailangan natin ang yaman nila pero hinde pwede itong niloko nila tayo. Magbabayad sila sa kahihiyang inabot natin sa simbahan kanila, idedemanda natin sila. Malaki pa rin ang magiging pakinabang natin sa kanila kahit na hinde ka makasal sa kanya." Sabi ni Armando ng nakangiti habang naglalaro sa utak nito ang magiging sitwasyon. "Papa, paano ang batang dinadala ko?" Pagpukaw ni Emilia sa atensyon ng ama. "Alam mong hinde anak ni Mondragon yan, at 'pag nalaman nilang niloloko mo siya, hinde ko alam 'san tayo pupulutin kaya mainam na ring hinde matuloy ang kasal. Mag-abroad ka muna at 'wag kang babalik hangga't hinde ko sinasabi. Maliwanag ba?" "Opo Papa," mabilis na sagot nito kasabay ng isang plano na isasama ang ama ng magiging anak niya sa pag-alis. "Magbihis ka na at madami pa akong aasikasuhin, maghanda ka na din sa pag-alis mo bukas," bilin ng ama at mabilis ng umalis ang dalaga paakyat sa kanyang kuwarto. Sina Don Ramil at Armando ay magkatunggali sa negosyo pero alam ng mga Acosta na wala silang laban sa mga Mondragon at dahil sa galit niya sa pamilya at ginamit niya ang anak para makaganti. Hinde papayag ang mga Mondragon na makaladkad at madungisan ang kanilang pangalan sa business community kaya alam niyang papayag ito sa kanyang hihinging danyos sa 'di pagkakatuloy ng kasal. Kaya ng makahanap ng butas kanina ay agad niya ng nilayo ang anak upang hinde na rin matuloy ang kasal. You are so wise Armando, pamumuri nito sa kanyang sarili.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

In Bed with The Governor-SPG

read
318.3K
bc

SYLUS MONTENEGRO

read
14.9K
bc

Devirginizing My Hot Boss

read
116.3K
bc

Heiress Bodyguard (Tagalog / SPG)

read
13.8K
bc

BAD MOUTH-SSPG

read
19.8K
bc

The CEO’s Nerd Secretary

read
50.0K
bc

My Evil Stepbrother Is My Ex

read
90.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook