Chapter 8 : Barko

1333 Words
Arriane Cruz Medina Mahaba ang dalawang araw na byahe pa Maynila at aminado si Arriane na hinde siya sanay sa ganitong biyahe. Nahihilo at nasusuka siya, marahil ay dala na rin ng pagbubuntis. "Rian, okay ka lang ba?" Tanong ni Rico. "Hinde ka pa kumakain pero nakakailang suka ka na." "Huwag mo ko intindihin, ayos lang ako." "Anong huwag intindihin, putlang putla ka na." Nag-aalang tanong pa nito. "Marahil ay dala ng paglilihi, eto kainin mo itong saging at ng kahit paano malamanan ang sikmura mo." Singit naman ni Mang Tonyo. "Ate gusto mo ba ng ibang ulam? Ititingin kita ng ulam sa taas sa canteen ng makakain ka ng maayos." Tanong ni Alvin. "Heto o, wag mo ng tanungin at bumili ka na duon," sabi naman ni Rico. Kaagad ng tumalima si Alvin dahil nag-aalala din ito sa sitwasyon ng dalaga. "Okay lang ako, wag kayong mag-alala sa akin, hinde lang ako sanay sa biyaheng ganito." Giit ni Rian. "Halika muna sa may balcony sa taas ng makalanghap ka ng sariwang hangin, madilim dito at medyo mainit kaya din siguro nahihilo ka." Sabi ni Rico. Nagpasya silang tatlo na pumaitaas muna at dun na hintayin si Alvin, dala ang kanilang pinggan at kutsara. Sa barko naman kasi ay pede naman silang maupo sa mga bench duon na tinatambayan ng mga tao upang pagmasdan ang paligid. Pag-akyat ay namangha ang dalaga sa tanawin at kahit paano ay gumaan ang kanyang paghinga sa sariwang hanging nalalanghap. Bukas pa sila ng hapon dadaong sa Pier at nakakainip talaga kung sa madilim na bahagi lamang sila mahihintay ng oras. Madami ding tao ang nasa deck para pagmasdan ang kapaligiran. Ngayon lang ang unang beses na nakaalis siya ng Sta. Monica kaya ito ay adventure talaga para sa kanya. Masaya ang kanyang pakiramdam na nakalaya na siya sa humahabol sa kanila ngunit malaking bahagi ng kanyang puso ang naiwan sa pinanggalingan. Mahal niya na talaga si Damien. Hinde na din siya tumawag pa sa magulang upang sunduin siya sa pier at pagdating naman niya duon ay maghahanap sila ng ibang matutuluyan sa ibang probinsiya, delikado kasi ang mag-stay lamang sila sa Maynila lalo pa at pabalik balik ang binata duon para sa mga business deals. Ilang minuto rin silang naghintay sa pagbalik ni Alvin at sobrang natuwa siya sa dala-dala nitong pagkain, pansit, menudo, at kanin na nakalagay sa tatlong canisters. "Tara na, saluhan na ninyo ako at alam kong hinde pa din kayo nakakakain ng maayos." Alok ko sa kanila. "Naku, hinde na Ineng at mas kailangan mo iyan." Sagot naman ng nakangiting si Tatay Tonyo. "Ate, siguro napakaganda o kaya gwapo ng magiging baby ninyo hano?" Excited na sabi naman ni Alvin. "Kain na," pag-aaya ko ulit. "Sige lang, makita lang kitang masaya ay okay na ako, kaya mag-iingat ka san man ang pupuntahan ninyo ha. Sana ay ipaalam mo man lang sa amin ang kinaroroonan ninyo at ng mabisita man lang namin kayo kapag may byahe kami sa Maynila." Malungkot na sabi ni Rico. "Huwag kang mag-alala pa sa akin, sapat na ang tulong ninyo ngayon. Maraming salamat sa inyo ha." Nakangiti niyang sabi. "Hinde ko maipapangako na magkakausap pa tayo dahil gusto kong magpakalayo layo. "Basta kapag kailangan mo ng tulong tawagan mo lang ako, hinde ako magpapalit ng number ng telepono at hihintayin kita." Makahulugang sabi ni Rico. "Salamat Rico, mamimiss kita friend." Dugtong pa ng dalaga. "Nadinig ninyo na ba ang balita na 'yung nanggulo sa kasal ng Heredero ng mga Mondragon ay magbibigay ng pabuya kapag may nakapagturo?" "Paano mo maituturo kung hinde mo naman kilala ang itsura ey. Malaking pera nga kaso lang parang naghahanap ka sa bula." "Magkano nga ba daw ang paubuya?" "Naku sabi ng anak ko kaninang tinawagan ko ang anunsiyo daw eh singkwenta mil." "Singkwenta mil? Maliit laang pala, akala ko nama'y milyon." "Aba'y sating mahirao e malaki na iyon." "Naku, hinde ko pag-aakasayahang hanapin 'yon dahil lamang sa singkwenta mil e magapapahamak tayo ng nagdadalang tao. Mabubuntis ba iyon kundi 'yon ginalaw? Baka magkarelasyon sila ng Heredero tapos ay ayaw panagutan." Natahimik sila sa usa-usapan ng mga tao sa barko kaya naman pasimple na din siyang inakbayan ni Rico at iginiya pababa sa kung saan nakaparada ang kanilang truck. 'Di bale ng magtiis sila sa init at dilim ang mahalaga ay ligtas sila at hinde kailangan pang magtago tago sa mga tao. May dala naman silang rechargeable na baterya para sa radyo at ilaw kaya kahit paano ay malilibang na rin siya. "Rico, malayo pa ba ang byahe natin?" Tanong niya sa binata sa pagitan ng pagkain. Hanggang ngayon kasi hinde niya pa nauubos ang pagkaing binili ni Alvin, ni hinde niya pa nga napapangalahati ay para ng babaligtad ang kanyang sikmura. "Malayo layo pa, bukas pa ng hapon ang daong natin." Sagot naman ng tinanong. "Ineng nahihilo ka na naman ba?" Tanong ng matanda na makita ang kanyang itsura. "Rian, halika dito sa sulok at ng medyo mahanginan ka," sabi ni Rico habang inaalalayan siya. "Kuya, ako ng magliligpit diyan at bantayan mo na lang si Ate Rian, bakit ba kasi hinde na lang kayo ang magkatuluyam. bagay kayo." Panunukso ni Alvin. "Oo nga Iho, bakit hinde na lang ikaw ang manligaw sa kanya." Singit namang panunudyo ng matanda. "Ehem," pagpaparamdam ko na andun pa ako at malinaw kong nadidinig ang kanilang usapan. "E hinde naman kasi ako pinapanasin nitong si Rian, mula nuon pa si Senyorito na talaga ang pinipili ng kanyang puso." Malungkot na pahayag ni Rico. "Hay naku Rico, lubayan mo nga ako at baka tsinelasin kita riyan, makita mo." Kunwa'y naiinis kong tugon. "Basta Rian, 'pag kailangan mo ng tulong nandito lamang ako ha." Nakangiti nitong sabi. "Ayiiiiieeehh, ang sweet mo naman Kuya Rico." Tukso pa ni Alvin. "Ineng nawa ay maging ligtas ka palagi at palakihin mo ang anak mo na marunong magpakumbaba." Singit ni Itay Tonyo. "Naku, opo 'Tay, tuturuan ko po siyang maging mabait, magalang, at higit sa lahat po may takot sa Diyos." "Naku Ate, si Kuya Rico na lang ang ipakilala mong ama ng baby mo." Singit pa ni Alvin. "Tumigil ka na nga Vin, baka mabwisit pa sa'yo ang Ate mo at ma--stress sa mga pinagsasabi mong impossible." Saway ni Rico. "Wala namang imposible Kuya, malay mo matutunan ka niyang mahalin. di ba Ate." Sagot ni Alvin. "Naku, baka mamaya at mag-away na kayo diyan, Tama na 'yan." Saway ko kay Alvin. "Pero Ineng sana nga ipakita mo naman sa amin ang baby mo at ng masilayan namin sino ang kamukha. Parehong maganda ang lahi ninyong dalawa." Excited na dugtong ng matanda. "Rian, aasahan ko na sana ay magkita pa tayo." Malungkot na sabi ni Rico. "Ineng 'wag ka na munang maglalakad lakad sa labas ha at baka may makakilala sayo." Bilin pa ng matanda. "Opo Itay, kasi po ay mahirap din kapag nahuli tayo." Pagbibigay ko ng assurance sa matanda. Iyon naman talaga ang dapat niyang gawin ang magtago sa mga tao at wala siyang dapat na pagkatiwalaan. Lumipas ang kinabukasan at malapit na silang dumaong sa pier ng Maynila kaya naman naghanda na rin sila sa pagbaba. "Basta po maraming salamat ha," sabi niya sa mga ito bago siya pumasok sa maliit na butas upang hinde siya makita ng inspektor. "Rian konting tiis lang ha at pagkatapos nito ay magiging okay ang lahat." Bilin sa kanya ni Rico na simple lamang niyang tinanguan at pagkatapos nuon ay isinara na niya ang pinto nito. "Huwag mo ko masyado alalahanin at kaya ko ito, promise." Yun na ang huling salita niya bago makalabas ang truck sa barko. "Magsitahimik muna tayo at aandar na tayo paitaas." Sabi ng matanda na agad naman naming isinunod. Sa wakas malapit na akong lumaya, hintayin ninyo ako Inay, Itay. sa loob-loob niya habang nagmumuni-muni. "Lolo, ito na po ang mga papeles, maghanda na po tayo at pagbukas ng pinto ay lalabas na tayo." Sabi ni Alvin. "O siya, halika na at papandarin ko na ito!" Sabi ng matada.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD