Chapter 30 : Doña Camilla

1373 Words
Doña Camilla Corpuz Mondragon Nagulantang siya sa mga natuklasan sa asawa. Pagkatapos ng pag-amin ng asawa ay parang nawalan na siya ng lakas at ginusto ng magpahinga kaya nagpasya na siyang iwan ito habang umiinum at nahiga. Ano bang mali ang kanilang nagawa at bakit kailangan nilang danasin ang ganitong kalaking problema lalo pa at ang sangkot ay ang kanyang pinakamamamahal at nag-iisang anak. At si Rian, Diyos ko po si Rian na napakabait ay nadamay pa pero hinde niya maitatangging gusto din niya ito para sa anak kaya lamang ay hinde nila mapipilit si Damien na mahalin ito tulad ng nangyari sa kanila ng asawa. Halos parehong pareho ang kanilang pinagdaanan nuon kaya sa nangyayari ngayon ay bumabalik ang mga ala-ala ng kahapon. Pinag-aral niya si Rian dahil tumatanaw siya ng utang na loob dito sa ganiwang pagliligtas sa kanyang anak nuon, hinde ito natakot na sundan ang kanyang anak sa bundok at sa tulong ng pamilya nito ay naiuwi ng ligtas batang Damien. Napakapalad na lamang niya at hinde siya ipinahiya nito sa pagbibigay ng scholarship dahil consistent top student ito at responsableng anak. Minahal at itinuring niya din itong parang tunay na anak kaya naman hinde niya gugustuhin na mapahamak ito. Kung nalaman niya sana ang plano bago pa ito pumayag ay siguradong hahadlangan niya ang gagawin nito dahil hinde niya gugustuhing madamay ito sa gusot ng pamilya. Naisip niyang gumawa ng paraan upang makausap ito pero paano. Alam niyang delikado ang gagawin nito pero nagdadalawang isip din siyang baguhin pa ang plano dahil kapakanan nga naman ni Damien ang nakasalalay dito. Nung nakaraang Linggo sa restaurant napapansin niya ang masuyong tingin ng anak sa dalaga habang kumakain ito. Iyon kasi ang naisip niyang iregalo sa dalaga bilang graduation gift, ang ilabas niya ang pamilya nito at magkakasamang kumain sa labas. Gulong gulo ang isip niya kasama na ang takot sa magaganap sa kasalan sa Linggo. Araw na ng kasal at ito na ang isa sa pinakatatakutan niyang sandali. Kaagad na kumabog ang dibdib niya ng ituro ng esposo ang babaeng nakaitim. Kahit pa maluwag ang suot nito at nakatakip ang mukha ng facemask ay hinde maipagkakailang ito si Rian na kanyang pinalaki, pinaaral at minahal. Kung hinde nga lamang magseselos ang anak ay bibigyan niya ito ng sariling kwarto sa mansyon at hinde niya ito papayagang manilbihan duon bilang kasambahay kaya naman upang mapagaan ang pamumuhay nito ay inutusan niya si Simang at sinabihan na wag itong pagtrabahuhin ng mabigat ng makapag-focus ito sa kaniyang pag-aaral. Nagsimulang lumakad ng babaeng nakaitim at sumigaw, nagkagulo na ang lahat at ang asawa ay lumakad na palabas ng simbahan kaya natataranta niyang pinuntahan ang nagwawalang anak sa unahan ng simbahan, Kailangan niya itong suportahan at pakalmahin dahil sa kanya lamang din ito nakikinig. "Ramil, san ka pupunta, 'yung anak natin kawawa naman," nag-aalalang sabi niya sa asawa. "Mauuna na ako sa Hacienda, duon na tayo magkita." Simpleng tugon nito at nagpatuloy na sa pag-alis. "Anak, Damien, huminahon ka, halika na muna sa mansyon anak, duon na tayo mag-usap." Sabi niya sa anak. "Mama, why is this happening to me? How about Emilia? My wedding was ruined." Naiiyak na sabi nito at kaagad naman niyakap ng ina. "Anak, huminahon ka at maayos din ito, everything will be alright, umuwi muna tayo anak." Pamimilit niya sa anak. "No Mama, I need to find that woman who ruined everything!" Matigas na tutol nito. "Kumikilos na ang mga tao mo, hayaan mo na muna sila. You need to rest anak." Pamimilit nito. "I love Emilia, Mama, pupuntahan ko muna po siya at baka mapaano ang batang dinadala niya. I will blame myself if she will suffer because of me." "Palamigin muna natin ang sitwasyon, galit pa sila at baka hinde ka lang nila pakinggan. Anak, there is always the right time for everything. Sa ngayon, umuwi muna tayo." Maawtoridad na sabi niya sa anak at nakahinga siya ng maluwag ng sumunod ito. Mula ng araw na iyon ay hinde na ito tumigil sa paghahanap kay Rian at sila namang mag-asawa ay nag-aalala sa kalagayan nito dahil ikalawang araw na ngunit wala silang balita kung ano na ang nangyari. Ikatlong araw ng magreport ang tauhan ni Ramil na ligtas na ito kasama ng pamilya at nagsabi na kailangan niya ng pera pambili ng lupa na kanilang pag-uumpisahan ng pamilya. Inamuki niya ang asawa na padalhan ito ng isang milyon pa at pumayag naman ito. Sakali mang hinde ito suportahan ng asawa ay siya ang gagawa ng paraan para matulungan ito. Hinde niya maatim na mapahamak ang taong nagligtas sa kanyang Damien, una noong maliit pa ito at ngayon na kinabukasan ng anak ang nakataya. Mabait pa din ang Diyos sa kanilang pamilya ang tanging magagawa lamang niya ay suportahan ito at imulat sa kalokohan ni Emilia upang tuluyan itong makabangon. Ngunit gusto niya pa ding malaman kung nasaan si Rian at kapag nagkaroon siya ng pagkakataon, kahit gaano pa iyong kalayo ay pupuntahan niya pa ito. "Senyora, nagpapasalamat po ako sa lahat ng tulong ninyo sa akin at sa aming pamilya. Salamat po na nakapagtapos po ako ng pag-aaral. Alam ko pong ginawa ninyo iyon dahil sa pagliligtas ko nuon kay Senyorito pero sana po ay huwag na ninyong isipin 'yon dahil sigurado po ako na madaming tao dito ang hinde po mangingiming tumulong sa inyo dahil sobrang makatao naman po ang turing ninyo sa ating mga kababayan." Naalala ng ginang ang huli nilang pag-uusap bago sila maghiwalay pagkatapos nilang maglunch nuong graduation day nito. "Naku iha, deserve mo 'yan dahil mabuti kang tao at responsable ka. Sabi ko naman sa'yo tita na ang itawag mo sa akin dahil para na rin kitang anak Rian. Salamat din na naging mabuting estudyante ka at hinde ka nagbigay ng sakit ng ulo sa akin." Nakangiti namang sagot ng ginang sa dalaga. Niyakap niya pa ito ng mahigpit bago ito umalis dahil simula sa araw na iyon ay uuwi muna ito sa kaniyang pamilya at akala niya ay babalik pa ito sa mansyon dahil ang talagang balak niya ay kukuhanin niya itong personal assistant at tuturuan sa pamamalakad ng kumpanya. Hinde niya inaasahang iyon na pala ang huli nilang pag-uusap. Hinde na rin siya nakapagpaalam sa kaibigang si Malou na naging katiwala niya sa tumana at siyang nagdadala ng gulay sa mansyon. "Rian, anak, san man kayo naroon ay sana ay maging ligtas kayo lalo na kung totoo nga ang hinala ni Ramil na ikaw ay nagdadalang tao." Lumipas ang ilang araw pa at si Damien ay naging lasinggero at mainitin ang ulo. Napapabayaan na nito ang pamamahala sa kompanya na siya naman nilang sinasalong mag-asawa. Kailangan sila ng kumpanya lalo't higit ni Damien kaya wala silang reklama sa nangyayari dito lalo at alam nilang sila ang may kasalanan sa mga dinaranas nito ngayon. Tanging hangad lamang nila ay ang tunay na kaligayahan ng anak at tulad ng asawa ay umaasa siyang sana ay si Rian ang itanakda para dito. Linggo na ang lumipas at nakikita niya ang frustration ng anak para sa paghahanap kay Rian, hinde nga lang niya masabi kung dahil ba sa pagmamahal kung bakit ito ginagawa ni Damien or dahil gusto nitong gantihan ang dalaga pero sana ay yung nauna ang dahilan at hinde ang pangalawa. "Ano ba anak ang dapat kong maitulong sa'yo? Wala ba talagang pag-asa na si Rian na lang ang mahalin mo dahil sigurado akong mahal na mahal ka niya at susuportahan ka niya hanggang sa huli. Matalino, mabait, maganda, simple at responsable siyang babae anak at tulad ng Papa mo ay matututunan mo din siyang mahalin." Sabi niya sa anak habang nililinisan niya ito dahil iniuwi na naman ito ng asawa mula sa isang bar na langong lango sa alak. Ang asawa naman ay tahimik na nagmamasid habang tinutulungan nitong bihisan si Damien. "Riiiiaaaannn, nasan ka na ba? Hinde naman totoong hinde kita kilala. Gusto kita eh, nasan ka na ba? Magpakita ka na." Nagulantang sila ng asawa sa sigaw nito habang pinapalitan ng damit. "Damnnn it, ito na nga ba ang sinasabi ko, takot lang siyang aminin na mahal niya na si Rian." Naiinis na sabi ng Don. Habang ang ginang ay naging malapad ang pagkakangiti sa sinabi ng anak.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD