Arriane Cruz Medina
"Ate Malou," sigaw ng Tiya Lina.
"Lina nandito kami sa kwarto," sagot ng kanyang ina.
"Nakaluto na kasi ako ng tangahalian at dumating na din si Alex, tara na at sabay sabay na tayong kumain sa bahay namin."
"Ay sige mga anak, tara na," sabi ng kanyang ina at inalalayan ng tumayo ang asawa.
Malaki din ang bahay ng Tiya Lina at sa kusina na rin sila nagdaan.
"Ate Malou, Kuya Gardo, kamusta kayo?" Bati ng Tiyo Alex ng makapasok na sila sa loob ng kusina.
"Mabuti naman kami Alex. Salamat ng pala sa pagpayag mo na matira kami dito."
"Kuya wala iyon mainam nga at habang nasa trabaho ako ay makakasama itong si Lina dito sa bahay. Lagi kasing nag-iisa minsan pa nga ay inatake ito walang kasama rito buti na lang at nakatawag pa sa anak. Isa pa ay wala namang gumagamit ng bahay nina Danica dahil nasa abroad sila."
"Maupo na kayo," singit ng Tya Lina.
Nagluto ito ng pritong hito at creamy chopseuy. Natakam ang buntis sa nakita at nauna ng kumain.
"Ang sarap po Tiya, parang ang Inay masarap din po pala kayong magluto." Pamumuri ni Rian.
"Siya nga pala at bakit umalis kayo ng Sta. Monica." Tanong ng Tiyo.
"Ito kasing si Rian ay tumatakas sa boyfriend dahil niloko siya kaso lang ay buntis kaya inilayo ko na." Sagot ng ina.
Natigilan naman ang lahat.
"Ah ganoon ba. Kagaganda naman kasi ng mga anak mo kaya ligawin."
"Salamat po, mainam na din pong alam ninyo ang istorya para wala po kaming itinatago sa inyo."
"Mommy?"
Napalingon sila sa pinto ng biglang may magsalita. Dumating na pala ang kanilang pinsang si Geneva.
"Geneva," tila ni Rizza.
"Rizza," tili din nito at nagyakapan.
Magkaedad kasi ito at kahit hinde sila nagkikita ay nananatili naman ang closeness nila thru social media.
"Ang gaganda naman niyo at ang pogi mo din Bert." Nakangiting sabi ni Viv.
"Salamat Ate Viv, ang ganda mo din kaya." Sagot ni Bert.
"Syempre walang pangit sa lahit natin." Maarteng sagot nito habang nakalantik ang kamay.
"Viv, kain na," Bati ni Rian sabay tayo at niyakap din ang pinsan.
"Ate Rian, kamusta ka," ganting bati nito.
"Eto nabuntis at nagtatago," sagot ni Rian.
"O, really magkakababy na tayo? Yehey, gusto ko na ng baby dito eh." Magiliw namang sagot nito.
"Naku, mamaya na ang huntahan at magsikain muna tayo." Awat ni Tiya Lina.
Nagsimula na silang kumain, naging magana at masaya naman sila habang nagkukwentuhan.
"Siya nga pala daddy, si Rian ay bibili daw ng lupa, nabanggit ko 'yung nasa likod natin." Singit ng Tiya Lina sa gitna ng kwentuhan.
"Tamang-tama malapit lang kayo dito kung mabibili ninyo iyon," Sabi ng tiyuhin.
"Mommy nakita ko po si Mang Pasyo diyan kanina bago ko pumasok dito." Sabi ni Viv.
"Ganoon ba, teka nga at mapuntahan." Nagmamadali ng lumabas si Tiyo Alex papunta sa likod na siya naman nilang sinundan.
"Mainam at makakausap na ninyo ang may-ari." Masayang sabi ng Tiya Lina.
"Mang Pasyo," sigaw ng Tiyo.
"O Alex, bakit ba nasigaw kang lalaki ka," sagot ng matanda.
"Hinde ho ba at ibinebenta ninyo ang lupang yan?
"Oo kaso wala pang nabili."
"Malinis ho ba ang titulo niyan?"
"Ay oo naman, kaso lang ay hinde ko na nababayaran ng amilyar limang taon na at mahirap ang buhay pero kapag nabili ay babayaran ko ang kulang ko sa munisipyo. May alam ka bang bibili?"
"Ito ho kasing kapatid ni Lina ay naghahanap ng lupa."
"Ay sila ba?" Tanong ng matanda.
"Oho sila nga, magkano ninyo ho ba ibibigay sa presyong kapitbahay?" Nakangiting biro ni Tiyo Alex.
"Naku eh, maliit na nga ang presyo ko, three hundred pepti thousand na nga lamang e, sa one hundred peptin metro kwardrado."
Mabilis na itong nakwenta sa isip ng dalaga pumapatak na three thousand fifty pesos per square meters.
"Tatang, baka naman po pwede ninyo pang babaan ng kaunti?" Nakangiting sabi ni Rian.
"E sige isarado mo na sa three thousand per metro kwarrado." Sagot nito. "Three hundred porty payb thousand na lang. Ako din naman ang magpapa-ayos ng papel ng bantahan at babayaran ko ang limang taong kulang sa amilyar pero ang pagsasaling ng titulo sa ngalan ninyo ay kayo na ang sasagot nuon."
"Salamat ho Mang Pasyo," singit naman ng kanyang ama.
Tiningnan naman niya ang mga magulang at hinihingi niya ang pagsang-ayon ng mga ito. Tumango naman ang mga ito at muli niyang hinarap ang matanda.
"E sakali ho ba maihahanda ninyo ang papeles sa Huwebes?" Tanong ni Rian.
"O sige, pupunta na lamang ako diyan sa Webes ng hapon."
"Opo sakto lang po sa hapon dahil sa umaga ay maglalabas pa po ako ng pera." Nakangiting sabi ni Rian.
Pagkatapos ng usapan ay nagsibalik na sila sa hapag. Naiwan sina Riz, Viv at Bert duon at masayang nagkukwentuhan,
"Nakuha mo ba Ate ang lupa?" Tanong ni Viv na siya lang naman niyang tinanguan habang nakangiti.
"Ayan, magakakapit bahay na pala tayo, yehey." Masayang sagot nito.
"Viv, san ba ang school mo, baka pwede mo akong matulungan makahanap ng papasukan o mas mainam kapag sa school mo na lang." Singit ni Rizza.
"O sige bukas ay sasamahan kita," sabi nito.
"Ako din Ate Viv," singit ni Robert.
"Ay oo pede ka dun may senior high school din duon."
"Mabuti at nakuha ninyo ang lupang iyan." Nakangiti ang Tiyuhin.
"Huwag po kayong mag-alala kahit lilipat po kami ng bahay, tutulong po kami sa paglilinis ng bahay ninyo, ang lalaki po ng bahay ninyo dito." Nakangiting sabi ni Rizza.
"Naku e, salamat naman kasi itong si Geneva ay tamad." Sabi ng Tiya.
"Mommy naman talaga," nakasibangot na sabi nito.
Nagkatawanan naman sila sa reaksyon ng dalaga.
Kinabukasan ay naging matagumpay naman ang pag-eenroll ng dalawa dahil kumpleto naman sila sa papeles.
Dumating ang araw ng Huwebes at umaga pa lang ay lumakad na sila. Si Geneva ang naging driver ng tricycle na sinasakyan nila. Mabuti at marunong pala itong magmaneho kaya hinde na sila nahirapan pa. Kasama ang dalawang kapatid at pinsan ay nagtungo sila sa banko para magwithdraw.
"Ate Viv, turuan mo kami magdrive nina Ate Riz ha," sabi ni Robert.
"Oo sige, madali lang ito kasi automatic eh."
"Ang Ate Rian, sanay 'yan pati kotse eh kasi naturuan sa hacienda." Kwento ni Rizza.
"Nga pala pogi ba ang boyfriend ni Ate Rian?" Tanong ni Viv.
"Oo si Senyorito, 'yung may-ari ng Hacienda kaso lang ay ipinakasal eh kaya umalis kami para makalimot ang Ate."
"Wow, big time, pero sad noh kasi hinde sila nagkatuluyan."
"Okay nga 'yon kaysa mas masaktan siya basta aalagaan namin ang baby niya, hinde naman din alam ng Senyorito na buntis siya, tayo lang ang nakakaalam."
"Ay, exciting."
Hinde naman nagtagal ay lumabas na si Rian sa banko bitbit ang pera at nagpasya na silang umuwi.
Kinahapunan ay dumating ang matanda kaya nagkapirmahan na sila sa bentahan. Nagpahanap na rin si Rian ng mga pwedeng gumawa. Ang gusto niya ay arawan at ayaw niya ang pakyawan. Naggayak na din siya ng design para sa maliit nilang tahanan.
Magkakaroon din ito ng second floor at terrace. Dalawang kwarto sa itaas, isang banyo at terrace. Sala, kusina dalawang banyo sa baba at dalawang kwarto para sa kanila ng mga mga magulang dahil kapag lumaki na ang kanyang tiyan ay mahhihirapan na siyang magpanhik panaog.
Base sa kanyang self analysis ay aabutin iyon ng apat na buwan at makakaubos siya ng halos isang milyon din. Sasapat naman ang perang meron siya sa panganganak, pang-araw araw na gastos at sa pagpaptayo ng bahay. Magtatrabaho din naman siya kaya hinde sila kakapusin kung sakali.
Nagsisimula na siyang buuin ang pangarap na kasama ang anak nila ni Damien. Hangad niya na sana ay mapagtagumpayan niya ang pagpapalaki dito lalo na at kasama naman niya ang mga magulang na gagabay sa kanya.
Aminado siyang natatakot siya ngunit wala naman na siyang choice kundi harapin ang lahat.
Nagpadala na din siya ng huling mensahe sa Don na nakabili na siya ng lupa at magsisimula na ang pagpapatayo ng kaniyang maliit na tahanan. Huling mensahe dahil nagpasya na siyang magpalit ng sim card.
"Salamat po sa pagbibigay ninyo sa akin ng advance para sa allowance, nakabili na po ako ng maliit na lupa at magsisimula na din po ang pagpapatayo ng maliit namin bahay."
Nagpasya din siyang magpadala ng mensahe kay Rico ng pasasalamat at pangngamusta gamit ang kanyang bagong numero.