Chapter 12 : Muling Pagtatagpo ng Pamilya

1319 Words
Arriane Cruz Medina "Arriane, malapit na tayo," sabi ni Rico habang tinatapik ang dalaga ng marahan. Nakatulog kasi ito sa biyahe marahil ay sa pagod. "Huh? Oo nga simbahan na pala ito, duon lang siguro 'yon banda." Sagot ng naalimpungatang dalaga. Hinde naman nagtagal ay papahinto na ang kotse sa gilid ng Albina Street. "Ateeee." sigaw ng bunsong kapatid na si Robert. "Bert, Rizza," excited na bati niya sa mga kapatid at sinalubong ng yakap. "Ate buti at nakarating ka na, akala namin ay kung napano ka na sa Sta. Monica." Sabi ng umiiyak na si Rizza. 'Rizza, ano ba, 'wag ka ngang umiyak at nandito na ako o." "Ate bakit ba natagalan ka pa dun at bakit ba natin kailangan umalis dun?" Tanong naman ni Robert. "Oo nga Ate, malungkot dito wala ang mga kaibigan namin." Dugtong pa ni Rizza. "Pasensiya na kayo, kailangan lang natin talagang umalis dun, magiging maayos din tayo sa probinsiya nila Tiya Lina. "Sana nga Ate, siyanga at tara na sa loob." Aya ni Rizza. "Ay Kuya sorry nakalimutan na kasama ka nga pala. magandang umaga Kua Rico." Bati pa ng kapatid sa kaibigan. "Good morning din Rizza at Bert." Ganting bati naman ng binata. "Good morning din po Kuya. Ako na po ang magbubuhat ng gamit ni Ate." Bati nito sabay abot ng bagpack na kinuha ni Rico sa likurang upuan ng kotse kung saan iniwan ni Alvin kanina. "Tara na, pasok kayo." Sabi ni Rizza at piangbuksan sila ng pinto. Pagpasok ay kaagad namang nagmano ang dalaga sa ina ni Rian. "Nanay, mano po." Iniabot naman nito ang kamay sabay yakap sa nawalay na anak. "Ang Itay po?" "Kakatulog lang, nainip sa paghihintay sa'yo, ang sabi nga ay gisingin siya pagdating mo ng marinig kay Robert na paparating na kayo." "Nanay Malou, pamano nga din po." Ganting bati naman ni Rico. "Inay, mamaya na po natin gisingin ang Itay kapag po aalis na tayo, ayusin muna po natin ang mga gamit." "Anak, naayos na namin, hayaan na sa gilid o." Sagot naman ng Inay. "Ang mga Tiya po ba nasaan?" Hinahanap niya ang tiyahin, isa sa mga kapatid ng kanyang ina na may-ari ng apartment na iyon. "Tulog na malamang, diyan sila sa kabilang bahay at natapat naman na walang naupa rito kaya dito kami pinatuloy." Sabi ng kanyang ina. "Paano po kaya tayo magpapaalam kung aalis na tayo maya maya? Alas dos na po siguro ay mga alas kwatro po ay pwede na tayo umalis." "Kahit ngayon ay pwede ko na kayong ihatid basta nakagayak na kayo." Singit naman ni Rico. "Tatawagan ko na lang ang Tiya mo para makapagpasalamat sa pagpaptuloy satin, naabisuhan ko naman na kapag dumating ka na eh aalis din kaagad tayo at pupunta sa Tiya Lina mo sa probinsiya." Sagot ng Inay. "Ate, gagayak na ba kami?" Tanong ni Rizza. "Oo sige, Inay pakigayakan na po ang Itay." "Rico, nga pala salamat Totoy at nasamahan mo ang kaibigan mo," hinarap ng kanyang ina si Rico at hinimas sa likod. "Nanay Malou naman, alam ninyo naman pong hinde ko papabayaan si Rian, huli na nga lang po ng malaman kong paalis na siya buti po may byahe ang Tatay Tonyo kaya nakasabay na kami." "Ah ganon ba Totoy, eh pakisabi nalang kay Pareng Tonyo na maraming salamat ha." Nakangiting sabi ng Inay. "Siya, sige at gigisingin ko na si Gardo at dito n'yo na lamang hintayin." "Sige po Inay," simpleng sagot ng dalaga. "Robert gumayak ka na din," puna ni Rizza sa kapatid na tahimik sa isang sulok habang chinecheck ni Rizza kung kumpleto na ba ang mga dalahin. "Sige Ate Riz, aakyat lang ako sa taas para magbihis," malungkot na sagot nito. "Pakicheck mo na din kung wala ka ng nakalimutan diyan." Bilin ni Rizza. "Saang istasyon ko ba kayo ihahatid?" Tanong ni Rico. "Sabi ng Tiya Lina e sa Five Star bus company daw sa Cubao Kuya, may byahe daw duon na San Antonio, Nueva Ecija diretso na sa kanilang bahay mismo. Mga tatlong daan daw ang pamasahe ng bawat isa." Mahabang sagot ni Rizza. "Ah malayo pala ang pupuntahan ninyo, kung sakali nga lang na walang kargada pwede ko kayong ihatid dun." "Naku Rico, huwag na, madami ka ng abala, isa pa ay pagbaba naman pala ay sa kanila na hinde na kami mahihirapan." Awat ni Rian sa kaibigan. "O siya sige, mag-almusal na lang muna tayo bago umalis, may bukas na Jollibee sa madadaanan," sabi na lang ni Rico. "Itay, mano po," kaagad na sabi ni Rian sa ama ng makita, niyakap ng mahigpit at hinalikan sa pisngi. "Anak, bakit ngayon ka lang ba? Nag-alala kami sa iyo." Tanong ng ama. "May inasikaso lang po ako Itay. Siya nga po pala si Rico po ang naghatid sa akin dito." "O Rico, salamat ha, ikamusta mo kami sa Itay mo at matagal tagal na tayong hinde magkikita." Tinanguan nito ang binata at kinamayan. "Mano nga po Tatay Gardo, mag-iingat po kayong lahat sa Nueva Ecija ha." Bilin ni Rico. "Oo Totoy, salamat ha." Nakangiti namang sagot ng Inay. "Bunso, matagal ka pa ba?" Tawag ni Rizza sa kapatid ng paglabas sa banyo ay hinde pa din ito nakakababa. "Mahal, 'wag mong kalimutan mag-iwan ng mensahe sa kapatid mo na umalis na tayo, pakisabi na din ang pasasalamat ko." Sabi ng Itay. "Oo nagtext na ako kanina bago tayo lumabas. Iiwan na lang natin ang susi sa kung niya ibinilin na iwanan." Nakangiting sagot naman ng Itay. Nakadama si Rian ng saya dahil kahit na mahirap ang buhay nila ay nanatiling masaya ang pamilya. Kahit na nagkasakit ang ama ay malambing pa rin sila sa isa't isa. Mahal na mahal niya ang pamilya kaya hinde niya gugustuhing ipahamak ang mga ito. "Bunso," sigaw ni Rian sa kapatid, "halika na at magjo-jollibee pa tayo." Sa nadinig ay nagmamadali ng bumaba si Robert dala ang isa pang bag na pinaglagyan niya ng gamit. Sa itaas kasi sila natutulog at ang mga magulang ay sa maliit na kwarto sa baba upang hinde mahirapan ang ama sa pagpanik at panaog sa hagdan. "Kapag Jollibee, ang bilis ah." biro ni Rizza na ikinatawa ng lahat. Nagbuhat na Rico ng gamit na siya namang sinundan ng lahat habang ang ina ay nakaalalay sa kanyang asawa na medyo hirap ng maglakad. Nakakalakad naman si Mang Gardo sa gabay ng tungkod. Malaki na ang progreso ng pagka-recover nito sa atake dahil na rin sa tulong ng maayos na gamutan nung nasa Sta. Monica pa sila. Ngayong wala ng susuporta sa kanila kailangan nilang tipirin ang perang galing sa Don. Ng makasakay na ang lahat sa kotse ay nagpaiwan muna si Rian upang bilinan ang kaibigan. "Rico, salamat ha, pero may isa pa sana akong hihilingin, baka pwede ay huwag mo ng ipaalam sa mga taga duon kahit sa mga kakilala o sa mga Tatay mo ang tungkol sa amin lalo na kung saan kami nagpunta. Baka kasi kumalat ang balita at matutunton kami ng Senyorito. Pakisabihan din sina Alvin at Tatay Tonyo, nakikiusap ako." "Hinde mo na kailangan sabihin 'yan at alam ko naman nag sitwasyon ninyo lalo na ikaw. Umasa ka na hinde kami magsasalita pa. Pero yung pangako mo na tatawagan mo ako ay sana tuparin mo ha." Nakangiti na lang na tumango si Rian bago sumakay sa kotse. Hinde nagtagal ay nasa biyahe na sila pa Cubao at tulad ng pangako ay naghahanap si Rico ng Jollibee na pwede nilang kainan ng almusal bago bumiyahe ang pamilya pa Nueva Ecija kung saan sila magsisimula ng panibagong buhay. Malayo sa gulo, malayo kay Senyorito Damien at malayo sa kapahamakan na maari niyang maranasan sa Sta Monica kundi pa siya nakatakas. Umaasa ang dalaga na sa pagsisimula muli ay maging payapa ang kanilang pamumuhay lalong lalo pa at ilang buwan mula ngayon ay magsisilang na siya ng supling. Tsaka na lamang niya ito sasabihin sa magulang kapag nakarating na sa patutunguhan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD