Rico Santos Bentre tres anyos ang binata at isa sa pinagkakatiwalaan ng Don sa Hacienda. Hinde niya madalas nakasalamuha si Damien at ang mga tauhan nito dahil iba ang kanyang line of work. Pangkaraniwan ay sinusunod niya kung ano ang iniuutos ng Don sa kanya. Ang mga magulang na sina Aling Cedes at Mang Aris ay kapwa mga tauhan sa tumana kasama ng mga magulang ni Rian at ang kapatid na si Arthur ay kaedaran naman ni Robert. Malaki ang agwat ng edad niya sa kapatid, ngunit gayunpaman ay malapit sila sa isa't isa at mahal na mahal niya ito. Matangos ang ilong ng binata at may maninipis na mga labi at ang kanyang kutis ay hinde din aakalaing galing sa mahirap na estado ng pamilya. Bata pa lamang siya ay magiliw na sa kanya ang Don at kahit maliit pa lamang siya ay lagi siya nitong pinapa

