Don Ramil Lopez Mondragon
Mahal na mahal niya ang kaisa-isang anak na si Damien kaya naman wala siyang ibang hinangad kundi ang kaligayahan at magandang buhay nito sa hinaharap lalo na kapag nawala na sila ng esposang si Camilla. Tumatanda na sila at iilang panahon na lang ang kanilang buhay sa mundo lalo at dumarami ang katunggali at kaaway sa negosyo.
Bilang ama, handa siyang proteksiyunan ito at alam niyang hinde magiging maganda ang buhay nito sa piling ni Emilia, kaya pinaimbestigahan niya ito at nalaman niyang may iba pa itong kalaguyo bukod sa kanyang anak ngunit ayaw itong paniwalaan ni Damien. Hinde rin naman niya pwedeng ibunyag ang ginawa niyang pampapaimbestiga dahil siguradong magagalit ito sa kanya at hinde niya iyon kakayanin.
Nabaling ang atensyon niya sa dalagang si Rian mula ng manirahan ito sa kanila. Nakikita niya ang pagkaresponsable nito at ang sipag sa trabaho at pag-aaral. Minsan ay madaling araw na nakikita niya pa itong nag-aaral kasabay ng paglalaba. Mabait ito at matalino, higit sa lahat ay dahil ramdam at nakikita niya kung paano nito tingnan at alagaan ang anak kaya nakabuo siya ng isang planong hinde niya inaasahang makakalutas ng kanyang problema.
Susugal siya sa bagay na ito dahil alam niyang ito ang magliligtas sa anak kahit pa ikagalit nito.
"Mahal ko, ilang araw ko ng napapansing ang lalim ng iniisip mo?" Sabi ni Camilla ng mahuli siya nitong umiinum mag-isa sa kanilang balcony.
"Inaalala ko lang si Damien," sagot niya.
"Malaki na siya, may kakayahang magpasya para sa sarili niya." Parang naiinis na sagot ng ginang. "Hayaan mo siyang matuto sa sarili niya."
"Paano kung sabihin ko sa iyong niloloko siya ni Emilia?" Galit na sagot ng Don.
"Ano? Paano mo naman nasabi 'yan? Pinaimbestigahan mo ba?"
Tahimik lang ang Don at hinde umiimik.
"Sinasabi ko na nga ba eh, I know you, alam kong pinaimbestigahan mo."
"Anong masama sa ginawa ko? Para 'yon sa anak mo."
"Anong masama? Pinapangunahan mo siya, kaya nagagalit sayo ang anak ko eh."
"Anong gusto mong gawin ko, manahimik? Pagkatapos ng nalaman ko na may balak pa lang agawin ni Armando ang kumpanya."
"Ano, si Armando?
"Oo, si Armando na akala ko ay mabuting kaibigan, may maitim pa lang budhi at ginagamit ang anak mo para makuha ang kumpanyang pinghirapan natin." Galit na galit ang Don sa pagkukwento sa asawa.
Lumapit si Doña Camilla sa esposo at hinimas ang likod nito.
"Huminahon ka," masuyong sabi nito, "mas mahalaga ang buhay mo kaysa ubusin mo ang galit at lakas mo sa kanila. Paano mo nalaman ang lahat ng iyan."
Nagpatianod naman ang Don sa pagsuyo ng asawa.
"Pinaimbestigahan ko din at nakakuha ko ng kopya ng recording at video na kinakausap niya ang mga board of directors. Mabuti na lang at madami pa ding tapat sa atin kaya naman nakarating sa akin ang mga sinabi niya."
"Oh my God Mahal ko, anong plano mo?"
"Kailangan kong gumawa ng paraan para magkahiwalay sila ni Emilia lalo at nalaman kong may iba pa itong nobyo."
"Really? Sino?"
"Anak ng isa sa mga executive na kadikit niya sa Mondragon Empire."
"I bet, 'yun din ang katulong niya para gumawa ng kalokohan sa loob ng kumpanya."
"Hinde, dahil walang alam si Mr. Alta sa ginagawa ng anak niya."
"Paano na si Damien?" Nag-aalalang tanong ng Doña.
"Kaya nga may pinaplano ako."
"Ano?" Kunot noong tanong ng ginang sa asawa.
"Si Rian."
"Rian? Don't tell me ipagkakasundo mo sila?"
"Alam mong hinde ganoon kadali 'yon."
"Kung ganoon paano?"
"Alam kong hinde ka maniniwala sa sasabihin ko pero ilang beses ng nagalaw ng anak mo si Rian."
"What? Ano ba Ramil ang dami dami mo ng nililihim sakin." Naghihisteryang sabi ng ginang.
"Mahal, pwede ba makinig ka muna."
Naupo naman ito at tahimik na nakatitig sa asawa na nuon ay tahimik lang at nagbubuntunghininga.
"Ramdam ko na may pagtingin si Rian sa anak natin. Hinde mo ba napapansin?"
"Oo napapansin ko."
"Ginamit kong paraan iyon para paglapitin sila at nagtagumpay naman ako, ang problema hinde maamin ng anak mo sa sarili niyang mahal niya na si Rian."
"Mahal niya si Emilia."
"Hinde, mataas lang ang pride niya at ayaw niyang masabihan na pumatol sa anak ng tauhan. Kinausap ko na si Rian at ilang araw din bago ko nalaman ang kanyang sagot."
"Anong klaseng usapan? Natatakot ako sa patutunguhan ng sinasabi mo Ramil."
"Pumayag siyang pigilan ang kasal ng dalawa at manggulo sa kasal ni Damien."
"Whaaat?" Sobrang gulat ng ginang sa nalaman.
"Oo, pumayag siya at sasabihin niyang buntis siya para matigil ang kasal."
"Oh my God, Ramil, our son will be devastated."
"Alam ko, pero mas maigi na ito kaysa lumaki ang problema kapag nakasal sila ni Emilia."
"Oo, tama ka pero paano ang mangyayari kay Rian baka saktan siya ni Damien."
"Maliit ang chance na makilala niya dahil magdi-disguise siya. Pero planado na ang pag-alis nila dito sa Sta. Monica. Sa isang araw ay babyahe na ang pamilya niya pa Maynila at si Rian na lang ang matitira, kaya naman may magbabantay din sa kanyang kaligtasan para sa pagtakas sa Linggo."
"Paano ang apo natin kay Emilia, buntis ito hinde ba?'
"Malaki ang posibilidad na hinde kay Damien ang batang iyon."
"Pero paano kung sa kanya."
"Walang nangyayari sa kanila ni Emilia dahil pinapasubaybayan ko sila, kung may buntis man malamang ay si Rian yon ngunit hinde siya umamin sa akin."
"Buti pumayag si Rian?"
"Dahil mahal na mahal niya si Damien. Isa pa kapalit nuon ay babayaran ko siya ng isang milyon at monthly allowance sa loon mg limang taon."
"I can't believe this Ramil, how did we get into this mess?" Umiiyak ang ginang sa frustration na nararamdaman.
"Patawarin mo ako, wala na kasi akong maisip na ibang paraan.
"Rian ko, Diyos ko, gusto kong makausap si Rian tungkol dito."
"Huwag na dahil walang pwedeng ibang makaalam ng planong ito. Manalangin ka na lang na maging matagumpay ang planong ito."
"Siguraduhin mo ang kaligtasan ng batang iyon at ang kanyang pamilya dahil kilala mong magalit si Damien."
"Huwag kang mag-alala dahil bukod sa isang driver na maghahatid sa kanya sa Maynila at mayroon pang isa na susubaybay sa kanya sakali mang magkabulilyaso."
"Sino?"
"Tsaka ko na lamang idedetalye sa'yo ng buo pagkatapos maisagawa ang buong plano. Sa ngayon, wala ka ring pagsasabihan tungkol dito at hinde natin ito pwede basta pag-usapan."
"Basta si Rian, huwag mong papabayaan at ako ng bahala kay Damien sa araw na iyon."
"Ako ng bahala sa plano ngunit hangad ko na sana ay si Rian na lang ang kanyang maging asawa at sigurado akong magiging maganda ang buhay niya."
"Ako din, gusto ko si Rian ngunit hinde naman natin mapipilit ang anak mo."
"Kaya nga lihim ang gagawin nating ito. Sana ay tulungan at suportahan mo ko dahil wala akong hinangad na masama para sa anak mo."
Tango na lang ang isinagot ng ginang bago nagpasyang magpahinga na.
"Huwag ka ng masyadong mag-isip pa mahal ko at matulog ka na."
"Ikaw din, tigilan mo na ang alak."
Naiwan na namang mag-isa ang Don at isa-isang inaalisa sa isip ang plano para sa Linggo kasabay na panalangin na sana ay hinde pumalpak si Rian sa kanilang napag-usapan.