Chapter 10 : MOA

1318 Words
Arriane Cruz Medina Pagkasuklay ni Rico ay nagpasya na silang umalis. Si Rico na ang nagdrive ng kotse kaya nagulat siya, hinde niya alam na marunong pala itong magdrive ng four wheels, sa probinsiya kasi ay kabayo, kalabaw o di kaya ay motor ang minamaneho nito. Magkatabi sila ni Rico sa harap at ang maglolo naman ay sa likod na sumakay. Simple lang din ang suot niya, black na t-shirt na piantungan ng asul na polo, maong pants, snickers na sapatos, face mask at ang kanyang buhok ay itinago sa loon ng baseball cup upang hinde siya madaling makikilala ng mga guard na nagbabantay sa gate. Sa suot niya ay hinde nila mahahalatang isa siyang babae. May kadiliman naman sa loob ng kotse kaya hinde siya nangangamba na may makakilala sa kanya. Hinde naman nagtagal ay natatanaw na nila ng malaking globo ng MOA, namangha si Rian dahil sa liwanag nito. "Wow, ang ganda pala rito 'pag gabi na." Masayang masaya siya dahil mas malaki at maganda ito kumpara sa mall sa kanilang lugar. Hinde naman siya masyadong inosente sa mga mamahaling kainan dahil meron din namang mall sa kabayanan na napapasyalan nila lalo na nuong nag-aaral pa siya. Bukod sa libreng paaral kasi ng Doña ay may allowance din siya na nakakatulong din sa maintenance ng ama bukod pa sa sinasahod nilang mag-ina sa pangangamuhan. Nakakaraos din naman sila sa buhay at nakakapag-aral din ang kanyang mga kapatid. "Oo Ate tsaka maluwang sa loob." Sabi naman ni Alvin na halatang excited din. Nagpark si Rico ng kotse at sabay-sabay na silang pumasok sa loob para maghanap ng kakainan. "San po ba ninyo gustong kumain Tay?" Tanong niya sa matanda. "Kuhhh, bata ka ako pang tinanong mo dine e hinde naman ako maalam sa ganito. Itong si Vin at Totoy ang tanungin mo at sila ang madalas pumasyal dito." Prang naiinis na sagot ng matanda. "Vin, Rico, san ninyo ba gustong kumain at duon tayo kakain." "Talaga Ate, pwede akong pumili?" "Naku Vin, baka kung saan mo pa ayain, baka mahal ang kakainan natin." "Okay lang Rico, sagot ko naman." "Yun na nga e, ikaw ang may sagot e ikaw ang higit na nangangailangan ngayon." "Frienship, 'wag mong intindihin 'yon at may pera ako." "Friend lang ba talaga Ate ang tingin mo sa Kuya Rico?" Singit ni Alvin. Natahimik ang dalaga sa tanong nito at hinde alam kung paano sasagutin ang tanong. Pinagmamasdan niya ang binata na lumalaban ng titigan sa kanya na tila ba hinihintay din ang kanyang isasagot. Kinakapa niya sa damdamin kung anong pagtingin ang meron siya sa binata pero wala e, kaibigan lang talaga at wala ng hihigit pa duon. "Vin, alam mo kung natuturuan lamang ang puso, si Kuya Rico mo ang pipiliin ko." Nakita ng dalaga ang lungkot na bumalatay sa may kagwapuhang mukha ng kaibigan. Ramdam naman niya nuon pa na may gusto ito sa kanya kaya nga lamang ay talagang para kay Damien lamang ang nararamdaman niya. "Nagpunta tayo rito para magpakabusog kaya 'wag ninyo na munang intindihin ang mga ganyang bagay dahil isa isa lang ang pagharap sa problema, may tamang panahon para diyan." Payo ng matanda. "Ano, Vin? San na tayo?" Nakangiting tanong ng dalaga ng maiba ang mood sabay hatak niya kay Rico sa kamay. "Halika na Rico at gutom na gutom na ako." "Ate, pwede ba tayong mag samgyup? Matagal ko na kasi gustong tikman iyon eh." "Samgyup? O sige, gusto ko din subukan 'yon e." Excited kong sagot. "San ba meron dito nun? "Sa may seaside meron dun, hotpot at may samgyup na din pero mahal masyado duon eh, iniisip ko san merong samgyup lang para mas makamura." Sagot naman ni Rico. "Magkano ba sinasabi mo? "Ate, nasa seven hundred yata ang isang tao dun eh o six hundred." Malungkot na sagot ni Alvin. "Sige kahit saan na lang, yung makakatipid ka." "Tara, duon tayo, kulang pa nga 'yon sa mga itinulong ninyo sa akin eh." 'Talaga Ate, yehey." Pumapalakpak pa si Alvin sa sobrang excitement. Nagsimula na nilang tahakin ang daan papunta sa likod sa gawi ng seaside. Mga ilang minuto din sila naglakad dahil malaki at malawak ang mall na ito sa Pasay City. Ng makapasok sila sa loob ay kinausap sila ng server sa loob iginiya sila sa upuang pang-apatan. Nakaayos na ang lamesa at nagsimula ng magserve ng mga staff ng kainan. Pinapili din sila ng uri ng soup na ilalagay sa hot pot na nakasalang sa kalan. Napili nila ang medyo spicy sa isa at chicken broth naman ang isa. Namili na din sila ng mga karneng ipapaserve ganon na din ang uri ng juice na gusto nila. Ikaw na din ang bahala mag-order ng mga gulay, noodles, sausages, meatballs na isasama sa soup. Masarap ang lasa ng sabaw nito na may pepper corn, sibuyas at leaks. Excited ang lahat ng dumating ang mga karneng kanilang kakainin. Masaya silang ngkukwentuhan sa pagitan ng pagkain. "Ate, hinde nga ako nagkamali sa pagpili ng ganitong kainan, kasi ang sarap talaga." Masayang komento ni Alvin. "Medyo matabang nga ito, sa isang kinainan namin nila Senyorito mas masarap e, pero hinde dito 'yon, medyo malayo eh." Sabad naman ni Rico. "Miss," tawag ni Rian sa waitress kasabay ng pagtaas ng kamay, Agad namang tumalima ang waitress at nakangiting lumapit sa kanika. "Pwede mo ba kami gawan ng dipping sauce for four kasi hinde kami marunong gumawa eh." "Okay po Ma'am, sandali lang po at kukuhanan ko kayo." Hinde naman nagtagal ay bumalik na ito kasama ng mga dipping sauce. Medyo kakaiba dahil may peanut butter ito, Nuong una ay nawi-weirduhan sila nganit ng matikman ay hinde na tinigilan sa kakapa-refill dahil masarap pala ang ganoon pwera na lang kay Tatay Tonyo na hinde na ito nagustuhan dahil matamis tamis ng bahagya. Ang dami nilang nakain ng gabing iyon dahil talagang isinulit nila ang pagkain. "Mag-order ka pa Vin at ng masulit ang ibabayad ni Rian," utos ng matanda. "Lo, kaya mo pa po ba?" Nag-aalalang tanong ni Alvin, "Karne po ito baka mahigh-blood kayo? "Kuhhh, e, minsan-minsan lang naman isa pa ay halos dalawang araw tayong hinde nakakain kaya ewan ko ba at talagang gusto ko pang kumain." "Itay, sige lang po unlimited ito pwede pa pong mag-order." Pagsusulsol ng dalaga. "Totoy, ikaw ba ay tapos na? Kahina mo naman yata." Natatawang panunukso ng matanda dahil si Alvin din ay walang lubay ang kain at pag-higop sa sabaw. "Naku, Tay ako pa po ba, nagpapahinga lang po ako, bumibwelo lang," nakangiting sagot ni Rico. "Akala ko Kuya, wala kang ganang kumain dahil binasted ka ni Ate eh." Nanunuksong sabad ni Alvin. "Apo, tigilan mo si Kuya mo at baka nga hinde na makakain, sayang ang ibabayad dine." Saway ng matanda. "Nga pala ay may plastic ako rine baka pwede tayong magbalot ng almusal," bulong ng matanda na siyang ikinatawa ng lahat. Si Rico naman ay nakikisaya din ngunoit halata ang pananahimik nito na parang malayo ang iniisip. "Alvin, magorder ka pa ng meat, tsaka noodles. Beef ang orderin mo ha." Utos ni Rico. "Okay Kuya," sabay taas nito ng kamay at tawag sa waitress na nag-aasikaso sa kanila. "Ineng, maraming salamat dine sa masarap na hapunan ha, hinde na yata kita makakalimutan sa tanang buhay ko at ikaw ang unang nanlibre sa akin ng ganito." Lahat na naman ay natawa sa tinuran ng matanda. Tama nga naman ito kasi ang mga tao sa probinsya ay hinde uunahin ang ganito bagkus ay ang pagkaing ihahain nila sa hapag kainan. Nakadalawang oras yata sila duon bago naisipan ng grupo na tapusin na ang pagkain. Sadyang matinik naman si Alvin at nakapagsupot pala nun kaya pala ang bilis mawala ng mga sineserve nila dahil naitatago nito. Naglakad lakad muna sila sa may tabing dagat. Maraming tao ang nakaupo sa bato sa likod ng mall at pati na rin si Rian ay tuwang tuwa sa malamig na hangin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD