Arriane Cruz Medina Pagkadede ng bata ay agad na itong pinagkaguluhan ng tatlo "Ate pakiharap mo dito ng konti si baby at pipicturan ko kayo, first picture together. Nga pala may ibinigay saking mga pic si Dra. kanina nung nailabas na si baby, hinde na pala ito first picture n'yo kaso kasi sa pic na yon tulog na tulog ka pa eh." "Ah talaga ba, ngpic si Dra. nung nanganganak ako? Ibinilin ko kasi sa kanya yon eh. Buti pala at naalala niya, ang bait talaga ni Dra." Nakangiting komento ni Rian. "Oo Ate iipunin natin ang pics ni baby every month pag magbday siya tapos papagawan ko ng Photobook." Excited na sabi ni Rizza. "Oo nga hahandaan natin ng pansit buwan-buwan. Maalala ko nga pala anak ramdam na siguro ng katawan mo na manganganak ka na noh kaya pinahanda mo na yung mga damit at 'yu

