Arriane Cruz Medina Sa regular na pagbisita ni Rico ay nasasanay na siya sa presensiya nito. Masaya rin naman kapag nandirito ang lalaki at isa pa ay mas nagiging madali sa kanya ang check-up. Natutugunan din nito ang mga pangangailangan niya sa ibang paraan katulad ng mga gusto niya nuong naglilihi pa siya. Lagi itong may pasalubong na pagkain at nakakatulong din ito sa kanyang Itay dahil masaya din ang mga magulang sa pagdating nito. "Rico, gabi na ah, sana ay nagpabukas na kayo ng byahe ni Alvin at mahirap na ang magdrive sa gabi. Kumain na ba kayo?" Salubong ni Rian ng dumating ito ng halos one in the morning, dati rati naman kasi ay mga ten or eleven ay nandirito na sila kapag araw ng Biyernes. "Madami lang akong tinapos at sayang ang oras kaya bumiyahe na kami. Alvin, pakibaba an

