Arriane Cruz Medina "Can you see this part, over here?" Tanong ni Dra. Excited naman ang dalawa na parehong nakatingin sa monitor. "Hinde ko po ma-identify Dra. eh?" Kunot noong sagot ni Rian. "Walang lawit ang baby," Sabi nito. "Does it mean po ba, girl ang baby ko?" "Yes, correct!" Nakangiting tugon nito. Hinde naman mapalis palis ang ngiti sa kanilang dalawa ni Rico dahil kahit ano naman ang gender nito ay mahal nila ang bata at excited silang makita. Maya-maya pa ay inikot na ni Dra ang controller para makita pa ang ibang bahagi nito. Hinde naman nagtagal ay natapos na din ang kanilang check-up. "Rico, dumaan muna tayo sa Anchel's dun yun sa may Alua, San Isidro ayon sa page na nakita ko sa f*******: page nila." "Ano yon?" Tanong ni Rico. "Kainan 'yon nabanggit kasi ng pins

