I'm Back

1030 Words
[Eve's POV] Alas kwatro nang makaalis kami ng Miraya at dahil sa kalandian ni Ron, alas seis na nang maihatid niya ako sa bahay. Madilim na at pagkapasok ko ng bahay, si Ate Winny na magkasalubong ang mga kilay ang naghihintay sa akin. "Sasakyan yun ni Ron, ah." "Oo," tipid kong sagot at nakayukong lalampasan na sana siya nang pigilan niya ako sa braso. "Teka," hinila niya ang balikat ko paharap at halos umirap ako sa kanyang ginawa. "What have you been up to? I'm pretty sure na hindi ka galing sa trabaho, ang alam ko kasi ay nagsara na ang factory." "Alam mo?" Gulat kong tanong. "Panganay ako, alam ko ang lahat, baby sis." Sarkastiko niyang kinurot ang ilong ko dahilan para mabilis akong mapaatras. Panganay siya... alam niya raw ang lahat pero... ba't wala siyang ginagawa? Ba't parang wala lang sa kanya na papalubog na ang negosyo? "So, sa'n ka nga galing?" "Nanood ng sportsfest–" "Ay syempre naglakwatsa. Ba't ko nga naman kailangang itanong? Stupid me." Diretso lang ang tingin ko sa damit niya. Ayaw kong mag-angat ng tingin, baka sabihing lalaban ako. Ayoko ring ibaba ang tingin sa sahig, baka sabihing mahina ako. "Back then, me and Vri don't usually leave the house. Pag-aaral lang ang inaatupag namin at halos wala ngang mga kaibigan at ikaw, wala ka parati sa bahay, bobo ka pa." Mapanuyang dinuro niya ako at tinulak sa balikat. Don't cry, don't even breathe. "Hmm," ngumisi siya at tinitigan ako mula ulo hanggang paa. Gusto kong tumakbo at magtago dahil alam kong mga lait ang naghihintay sa akin sa pagbuka ng bibig niya. "Hindi ka rin naman maganda, noh? Wala ring kurba ang katawan mo. I bet your life is just all about bowling and friends." Tumawa siya bago nagsalita muli. "You're useless, pathetic. I wonder why you even existed. You don't belong in this family." Para akong sinasakal sa kanyang mga sinabi. Kahit anong gawin ko, ang hirap lumunok. Napakahapdi ng gilid ng mga mata ko. Nagpasalamat ako nang mag-ring ang phone niya. Tinalikuran niya ako para sagutin ang tawag kaya hindi na ako nagsayang pa ng panahon at mabilis akong tumakbo paakyat. Napatalon ako sa gulat nang maabutan ako ni Ate Vri pagtungtong ko sa second floor ng bahay. Ngumisi siya nang makita ang naiiyak kong mukha. I looked away in embarrassment before I run passed her. Mahigpit akong napahawak sa dibdib ko dahil sa sobrang sakit. Kagat-labing napahikbi ako, pinipigilan ang sarili na huwag makagawa ng ingay at baka mas lalo lang na gumulo kapag marinig nila. Napaupo ako sa sahig at napasandal ang likod ko sa pinto. Yakap-yakap ang sariling mga tuhod ay pinagpatuloy ko ang pag-iyak. Pag-aaral ang inaatupag nila? Talaga lang? At ako, puros lakwatsa at laro lang? Eh, ba't ako may medal tas sila wala? Ba't napapasok ako sa ranking tas sila, hindi? Napapailing akong napatawa sa naisip. Of course, hindi nila alam. Ni isa nga sa kanila walang pumunta ng graduation ko. Wala rin silang alam na halos mapuno na ang drawer ko sa bawat certificate na natatanggap dahil sa pag-aaral at laro. Hindi ko alam kung gaano ako katagal sa ganoong posisyon hanggang sa napagod ang mga mata ko kakaiyak. Dahan-dahan kong inangat ang aking tingin at kahit hindi masyado klaro ang paningin ko dahil sa mga luha, nakuha ang pansin ko ng isang bagay na nakapatong sa aking side table. I don't know what's got into me. I just found myself staring lifelessly at that thing. I was just there like a statue that made my knees tremble for standing too long. Kinuha ko iyun at napaupo sa aking kama. Tinitigan ko iyun ulit at sinimulang paglaruan. I pushed the blade back and forth in astonishment and confusion, wondering how sharp it is and how much it can cut. Itinuon ko ang blade sa pulpusuhan ko pero agad akong umiling at mabilis na inilayo iyun. Makikita ng mga kaibigan ko kung sakali... Napakagat ako ng labi, nasasabik na maibuhos ang sakit na nararamdaman ko. Para akong sasabog at kung gugustuhin ko lang ay tumalon na ako mula sa balcony per hindi... gusto ko makaramdam ng pisikal na sakit. Napahiga ako sa kama habang hawak pa rin ang cutter. Tulala kong tinitigan ang kisame hanggang sa bumalik muli sa pandinig ko ang mga sinabi ni Ate Winny. "...ikaw, wala ka parati sa bahay, bobo ka pa." "...ikaw, wala ka parati sa bahay, bobo ka pa." Her voice echoed inside my head repeatedly and I grasped the handle of the cutter tightly. Galit at umiiyak akong napaupo at walang pasabing sinaksak ang kaliwang paa ko. I sobbed heavily as I watch my leg bleed. Hindi ko maintindihan. Ba't wala akong sakit na nararamdaman? Why does everything feel numb to me? . Wala akong lakas na bumangon. Parang wala ring saysay kung babangon pa. Ayokong maglaro, ayokong bumaba, ewan... parang ayaw ko na ring mabuhay. Umayos ako ng upo at malakas akong napadaing nang makaramdam ng kirot sa aking binti. Ay, sinaksak ko pala 'to kagabi.... Paika-ika akong naglakad papunta sa banyo at naligo. Halos mapamura ako sa hapdi nang mabasa ito ng tubig lalo pa nung sinabunan ko. [Jacob: Im back!] Namilog ang mga mata ko nang mabasa ko ang text niya. Excited akong nagtipa ng reply habang nakangisi. [Me: Really? As in back in town or back in the Lighthouse?] Hindi natagalan ay agad din siyang sumagot. [Jacob: Both! Free ka raw d2 buong sem break? Anong oras ka dadating?] Nawala ang ngisi ko nang may maalala. Hindi ko pala sinabi sa kanya ang nangyari noong isang araw. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya na titigil na ako sa paglalaro, but knowing Jacob... alam kong hindi siya makakapayag. [Me: Ikaw na magco-coach sa akin?] Hindi niya naman siguro mamasamain ang tanong ko. [Jacob: Yes!] Parang nabuhayan ako sa sagot niya. I guess may rason para bumangon ako ngayon. [Jacob: Disappointed?] Mabilis akong umiling na parang nakikita niya ako. [Eve: Rather excited! Eh, si Caleb?] [Jacob: He went out of town... hindi na siguro babalik yun... pumunta lng talaga sya rito para i manage ang Lighthouse] [Eve: Papunta na ako diyan!]
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD