Eion

1099 Words
[Eve's POV] Kinabukasan ay pumunta nga kami sa Miraya Sports Complex at pansin ko kung gaano sinisikap ni Ron na pagaanin ang nararamdaman ko. "Kaklase ko yan noong elementary, namin ni Eion," aniya habang nagsisimula ang laro ng futsal. Ininguso niya ang midfielder ng VVC. Maliit na babae at kulot ang buhok, may pagkamataba. May maganda rin at bahagyang maputi ang kanyang balat. "Mmm? And?" Lumapit siya sa akin para bumulong habang nananatili ang mga titig ko sa babaeng nasa field. "Mabaho ang hininga." Natatawa ko siyang hinampas sa braso nang makalayo siya. "Oy, and bad!" "No, totoo! Crush niyan si Eion at ako eh. May plano yatang tuhugin kami kaso hindi ako fan ng words of affirmation, lalo na kung hindi pleasing ang hininga." Mas lalo lang ako natawa sa sabat nito. "Hindi fan ng words of affirmation? Kaya naman pala si Belle ang nagustuhan mo, tinatadtad ka palagi ng lait." Napanguso siya sa sinabi ko, mukhang pinipigilan ang pagngiti. "Hindi nga 'yun masyadong nagsasalita." "Kaya nga!" Agap ko. "Kaso mas mabaho raw ang hininga ng mga hindi nagsasalita." Pabiro niya akong sinamaan ng tingin habang nakanguso pa rin. "Hindi, ah... mabango ang hininga nun." Humagalpak ako sa tawa sa kanyang responde. Ron is a flirt but when it comes to Belle... nagiging santo. Natalo niya ito sa badminton kaya naman naging alalay niya si Belle gaya ng kanilang napagkasunduan, but when I look at it... parang baliktad. Ron is like a love-sick puppy when it comes to Belle but Belle don't like Ron's guts. Hindi gaano malapit si Belle sa mga lalaki except kay Ron dahil magkababata sila. Naiinis lang si Belle palagi sa kanya at palagi siyang sinusupladahan dahil sa kayabangan at ingay niya. "Pfft– don't tell me you're starting to fall for Nathaniel?" Umakto si Ron na parang nagbibiro. Nagkatinginan kami saglit ni Pierce bago namin hinuli ang reaksyon ni Lea. "He's my friend, you idiot, why would I fall for him? Si Eli, kapatid ni Cy ang may gusto sa kanya." "Ahhh," napatango kaming tatlo. Napayuko ako at sinimulan nang kainin ang pasta ko. Alam ko kung gaano kamahal ni Lea si Cy pero may parte pa rin sa puso ko na umaasang magugustuhan ni Lea si Eion. I never seen Eion doing efforts for a girl, kay Lea lang. I mean, he treat us nicely but his most sweetest side... I bet kay Lea lang niya pinapakita iyun. . "Sa akin ka na sumabay," yaya sa akin ni Ron nang makalabas na kami ng Miraya. Nauna na si Eion kasama si Lea dahil ihahatid pa raw niya ito kay Cy. Naku! Parang hindi ko talaga kaya ang mga ginagawa ni Eion, na ihatid ang taong mahal mo papunta sa iba. "Parang ako ang nasasaktan kay Eion." I said out of blue while we're on the road. "He's tough. I can't do what he does." "Na ano? Ihatid si Belle sa bahay ng ibang lalaki?" Umangat ang sulok ng labi ko dahil biglang napahigpit ang hawak niya sa steering wheel. "Yeah," he said in a low voice. "Hindi mo ba sinasabihan si Eion? You know, like advices. Matagal na kayong magkaibigan." "Yeah, matagal na nga pero ngayon ko lang siya nakitang mabaliw sa isang babae." "Aren't you worried?" Tanong ko habang pinagmamasdan siya. Seryoso ang kanyang mga mata habang nagmamaneho, ekspresyon na minsan ko lang talaga makita sa kanya. "Of course, I am. I can't imagine his pain but... no one can dictate someone who is crazy... for love. Lea is special to him, too special." "Like how?" "He can give up anything... everything." Kumibit-balikat siya bago nagpatuloy. "His status, dreams, dignity... it goes on until he's left with nothing." Hindi ko maiwasang mapalunok dahil sa kaisipan na delikado ang pag-ibig ni Eion para kay Lea. "I've known Eion as selfless, controlling, and deceitful," aniya. "But Lea came and I saw a different side of him. Selfless, kind, and contented with what Lea can only give." Nasa kalagitnaan kami ng biyahe nang bigla akong nagtaka dahil pinahinaan niya ang takbo ng kanyang sasakyan hanggang sa tuluyan itong huminto sa harap ng bahay na hindi ko pamilyar. "Umm... what are you doing?" Magkasalubong ang mga kilay na hinarap ko siya. Ngumisi siya sa akin bago binuksan ang pintuan sa kanyang gilid. "I'll be quick," he winked at me before closing the door. Nakaawang ang mga labing pinanood ko siyang pumasok sa isang two-storey na bahay. Napabuntong-hininga ako bago sumandal at piniling hintayin siya. Moments passed, I even tried to sleep but it's seriously not working. Binuksan ko ang phone ko para tingnan ang oras at nakitang labinlimang minuto na ang nakalipas. I'm a patient person but if it's Ron... gosh. Para akong pinapatay palagi sa high blood kapag siya ang kasama ko. Napapailing kong dinial ang number niya at mas nadagdagan ang inis ko dahil matapos ang limang ring ay napatay ito. That jerk! I tried to dial his number again but it's out of service. Gigil na gigil kong pinatay ang phone ko at akmang lalabas na nang makita ko siyang paalis ng bahay. I squinted my eyes at him as he tries to zip his pants and tidy his clothes. Nanliliksik ang mga matang hinarap ko siya pagkapasok niya ng kotse. "You, womanizer! Inuna mo pa talaga ang kalandian mo kesa na ihatid ako!" "Aray! Aray!" He ducked and cover his head as I continue to hit him with my purse. "Napaka-f**k boy mo! Para na akong mamamatay dito kakahintay!" "Ouch, stop it! Mabilis na nga iyun. Normally, it takes thirty–" "Gago!" Nakabusangot ako buong biyahe. Tinaasan ko siya ng kilay nang maramdaman na parang hihinto ulit ang sasakyan. "Hephep! Hindi ako lalabas, may iaabot lang ako." Inunahan niya na ako. Hindi nagtagal ay may lumabas na babae sa bahay. Pamilyar sa akin at mukhang taga-PHS din. Abot-mata ang mga ngiti niya habang naglalakad patungo sa gawi ni Ron. "Sandali lang," he said after rolling the windows down. May kinuha siya mula sa backset kaya naman agad na nawala ang ngiti ng babae nang makita ako. Hindi ko siya binati o ano, nananatili lang akong nakatitig sa kanya hanggang siya na mismo ang umiwas. Oh, I remember! Nasa senior high na yan eh. "Here, happy birthday." Inabot ni Ron ang medium-sized white box sa kanya. "T-thank you, babe." Aniya pero hindi na gaano natutuwa, hindi gaya ng kanina. "Babe? Seriously, Ron?" Kompronta ko sa kanya nang nagpatuloy kami sa biyahe. Kumibit-balikat siyang ngumisi at sumagot. "Told ya, all the girls love me!" "Oh gosh, not me. That's disgusting." Ngumiwi ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD