Sir Caleb

1066 Words
[Eve's POV] "Good morning, Sir!" Napalingon ako sa malakas na boses ni Sir Elcid. May kausap itong lalaki na matangkad at maputi. Hindi ko maiwasang mapatitig dahil sa perpekto nitong panga. Hapit na hapit din ang polo shirt nitong suot dahilan para mapansin ko ang hubog ng pecs niya. "Siya 'yan oh." Halos mapatalon ako dahil bigla na lang akong tinuro ni Sir Elcid. Dali-dali akong tumayo at tumakbo papunta sa kanila. "Bakit?" "Eve, si Sir Caleb nga pala, kapatid ni Sir Jacob." Napaawang ang labi ko at tumitig sa mukha niya. Magkapatid sila pero wala akong makita na resemblance. Ampon kaya 'to? "Sir Caleb, si Eve naman, prestige client namin at kaibigan din ni Sir Jacob." Hindi ko alam pero parang nabingi ako sa salitang kaibigan. Bumaling sa akin si Sir Caleb at agad akong napalunok dahil sa talim ng kanyang mga mata. Makapal ang mga kilay nito na kaonting ekspresyon lang ay sumasalubong na. His eyes are also dark and frightening. Hindi ko pa siya nakakausap ay parang ayoko na. Hindi ako komportable sa presensya niya. "Si Sir Caleb daw ang magiging coach mo, Eve, dahil wala si Sir Jacob." Namutla ako sa narinig. Ang mga tuhod ko ay nanginginig na. I can't even play in front of Jacob whom I find so comfortable to be with. Ano pa kaya ang isang 'to? Na ngayon ko lang nakilala pero kung makatingin ay parang sobrang dami na ng kasalanan ko sa kanya? "Show me what you got." Nagsitayuan ang mga balahibo ko nung sa wakas ay magsalita siya. Nakatalikod ako sa kanya habang hawak-hawak ang bola gamit ang nanlalamig kong mga kamay. Sobrang lamig at talas ng tono niya. Napalunok ako bago pinadulas ang bola na wala sa wisyo. Napakagat ang labi ko sa hiya dahil dalawang pins lang ang natumba, ang number six at 10. "How long have you been training here?" Hinarap ko siya at kinakabahang inipit ang iilang hibla ng buhok sa likuran ng aking tenga. "Magto-two months na." Nakahalukipkip siyang napatango bago iniwas ang tingin. "Well then, go on. I want to see which part you lack." Sa tatlong frame na nilaro ko ay kakaonti lang ang natatamaan. Panay taas-baba ng dibdib ko dahil sa kaba. I find his stare frightening especially when he cross his arms in front of him na parang sa kanya ang buong Lighthouse. "Jacob said you're good," he said while I was taking a break. Hindi ko nagalaw ang tubig sa tumbler ko dahil parang matatapon once na galawin ko. Tinatago ko na nga ang mga kamay ko sa kandungan na tinatakpan ng towel para hindi makita ang panginginig. "You're not even that half good enough." Napalunok ako sa kanyang sinabi. His words were sharp that I can't even open my mouth to say anything in defense. "Another round," matigas na utos niya na ikinatayo ko. I took a deep breath and I stared intently at the pins. I did my usual acceleration and stance. Sinundan ko ng tingin ang bola matapos ko itong bitawan. I calculated the arc and it was seven degrees before taking a turn. Matutuwa na sana ako pero may isang pin ang hindi natumba... number seven. Humugot ako nang malalim na hininga bago mabilis na pinadulas ang bola sa left pocket. This is a sure win! "Tsk" Namutla ako dahil masyado kong nabilisan ang pagpapagulong sa bola ay dumiretso ito sa kanan. Sa sampung frame ay dalawang strike lang ang nagawa ko. This is yet the worse game I ever played. Kahit noong nagsisimula pa lang akong maglaro ay hindi bumababa sa apat ang mga strike ko. Worse ay may isa akong open frame ngayon. When another break finally came, I immediately took my tumbler and went out of the Lighthouse to take a breath. Napaubo ako dahil dumiretso sa ilong ko ang tubig. Argh, hindi pa rin tumitigil sa panginginig ang mga kamay ko. [Jacob: So how was he?] Napanguso ako sa text ni Jacob sa akin. [Me: He's scary. Come back here please?] [Jacob: Aw, miss mo na agad ako?] Namumula kong binalik ang phone sa loob ng bulsa para hindi na makapag-reply. I bet he's grinning from ear to ear right now. "Are you playing or what?" Inis na tawag ni Sir Caleb sa 'kin. Hindi ko namalayan na napatagal na pala ako sa labas. Hindi makahingang tumango ako bago siya nilampasan at nauna nang pumasok sa loob. "Why are you so stiff?" Naiiritang lumapit siya sa akin bago kinuha ang pulpusuhan ko. Napapaso ko iyung binawi nang mabilis na ikinakunot ng noo niya. "Your arms and wrists have power. You're not taking advantage of it. Again." Pinagpapawisan at kagat-labing pinagulong ko muli ang bola. Only half of the pins were left. Ang masama ay may 7-10 split ako... every bowler's nightmare. "Damn, I can't believe Jacob said you won in the District Meet. You seriously can't even play." Napaawang ang labi ko sa sinabi niya. I am shock, not by his insult but the fact that Jacob tells him about me. "K-kinukwento ako? Ni Jacob?" Namamanghang tanong ko sa kanya habang nakaturo sa sarili ko. Nawala lang ang tuwa ko dahil sa pagsalubong ng mga kilay niya at pag-igting ng panga. "So that's why you're playing here?" Panunuyang tanong niya. "Because of my brother?" Nahihiya akong napayuko dahil sa tono niyang may bahid ng disgusto. "Answer me," matigas na atas niya. "O-of course not! I want to get better, but Jacob became a part of my reason to play here." He scoffed because of my answer. His boyish grin made me bit my lip in embarrassment. "You don't know anything, do you?" "K-know what?" Bigla akong kinabahan dahil sa kanyang tanong. Lalo pa nung humakbang siya sa akin kaya natataranta rin akong napaatras. I keep walking backwards with a loud throb in my chest. Hinihingal ako at nangangatog ang aking mga tahod. I feel fear as his large steps closed our distance. He looks like a predator, a mad lion walking towards his prey. Bago ko pa maapakan ang madulas na alley ay naramdaman ko ang mainit na paghawak sa akin ni Sir Caleb sa beywang. "Watch out, you'd slip," his hot breath sent shivers down my spine. Hearing his hoarse voice brought goosebumps to my system. Gusto kong umapila at kumawala na mula sa kanyang pagkakahawak pero natigilan ako dahil sa binulong niya. "Jacob is engaged."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD