Swerte Ako

1028 Words
[Eve's POV] Napapailing ko siyang tinulak at lumayo sa madulas na alley. He's lying, he just wants to make fun of me. I know he hates how I play, that's the reason why he wants to piss me off. "Don't lie to me." Natatawa kong usal pero seryoso lang ang kanyang mga matang nakatitig sa akin. "That's the reason why he needs to leave for a month, to organize his wedding." I feel my system breaking down after realizing of what kind of a fool I am. So ano 'yun? He was just flirting with me? No, no, Jacob wouldn't do that. "Jacob is not that kind of guy," matigas akong umiling pero ramdam ko na ang pagtulo ng luha ko. "You don't believe me? Call him." Umiigting ang pangang utos niya at mabilis kong kinuha ang phone mula sa bulsa ko. Nanginginig ang mga kamay na dinial ko ang number niya. Suminghot ako bago itinuon ang phone sa aking tenga. "I-loudspeaker mo," aniya sabay lapit sa akin pero umiling ako habang umiiyak. I cleared my throat when Jacob finally answered. Hindi ko maiwasang mapapikit nang mariin nung sa wakas ay narinig ko ang boses niya. Everything in me melts down just by hearing his gentle voice. "Hey, what's up?" "Hey..." my voice trailed off when I realized I don't know what to say. "Ask him," Sir Caleb mouthed. Mapanghamon ang mga mata nito habang pinapanood ako. "Sir Caleb said you're getting married." Hindi ko alam kung paano ko nagawang hindi pumiyok even though I have the urge to break down. "It's an arranged marriage, Eve. My parents set me up for someone... I don't love her. Magpapakasal ako dahil kailangan ng business namin. Don't overthink... ikaw ang gusto ko." Naririnig ko ang mabilis niyang paghinga at ako naman ay nawawalan ng hininga sa kanyang sinabi. Agad na tumigil ang mga luha ko sa pagdaloy. Malapad ang ngiting pinunasan ko ang magkabilang pisngi ko bago sumulyap kay Sir Caleb na ngayon ay nakaawang ang mga labi at nagtataka. "Really?" "Geez, you didn't notice?" Napakagat ako ng labi at hindi alam kung ano ang pwedeng sabihin. I'm happy. I'm so happy right now. "I mean what I said. Sayo lang ako. Babalik ako diyan... babalikan kita." Huling sinabi niya bago pinutol ang tawag. "What did he said?" "He said he likes me and it's all just an arranged marriage," ngisi ko bago siya nilampasan at kinuha ang bag ko. "So it doesn't matter that he's engaged to someone?" Naf-frustrated na singhal niya. "As long as ako ang pinili." Halos pabulong na sagot ko at nakangiti nang tipid. "You're crazy," hindi makapaniwalang usal niya na ikinaangat ng tingin ko. "So you'll be involve with him?" "Yeah... we... we like each other." "He's engaged and he'll marry soon." "But he doesn't love her. It's just a marriage for business, nothing else! I have his heart." I justified. "So you'll stay with him that way? Na kabit lang? Na walang karapatan? 'Di bale nang may kahati, basta sayo uuwi, ganoon ba 'yun? You would settle for a guy like that?" Napailing ako sa mga salitang hinahagis niya laban sa akin. Hindi ako makapaniwala na kaya niyang sabihin ang mga salitang 'yun. We just met! "You don't have any rights to lecture me. Hindi mo ako kilala. Hindi mo alam ang pinagsamahan namin ni Jacob–" "Pinagsamahan? Dalawang buwan pa lang kayo na magkakilala. Are you stupid?!" Parang may sariling utak ang kamay ko at nasampal ko siya. Hindi ko na napigilan ang sarili ko. His words were like thorns that prickles my heart. "You don't insult me like that," humihikbing ani ko sa kanya at napasinghot. Kaya kong matanggap ang ganoong pang-iinsulto sa mga kapatid ko pero sa taong kakakilala ko lang? No, I can't accept it. Pinunasan ko ang mga luha ko at hinarap siya. "I know that I'm not that good as you expected me to be. I-i know that I'm stiff... and awkward but you have... you have no rights to call me stupid! You are my coach, Sir Caleb, not my boss nor my Father. Before you, I have Jacob as my coach but he never said anything that can hurt me." Napalunok siya at napaigting ang panga sa mga hinaing ko. Seryoso pa rin ang kanyang mga mata at gusto kong tumawa dahil hindi ko makita na pinagsisisihan niya ang kanyang mga sinabi. "Thank you for today." Those were my last words before I left the Lighthouse. . "Nasaan si Eve?" Narinig kong tanong ni Dad mula sa loob ng bahay. "Edi naglaro, ano pa ba ang pwedeng gawin nun?" Boses ni Vri ang sumagot. Walang gana kong binuksan ang pinto. Lahat sila ay napatingin sa akin. Ginawaran ko lang sina Dad at Mom ng tipid na ngiti bago dire-diretsong naglakad. "You'll be training in the company this sem-break, Eve. Hindi pwede na maglaro ka na lang at gastos lang 'yan. Playing sports is a liability. Maliban sa certificate at medalya, wala kang makukuha diyan!" Humugot ako ng malalim na hininga bago tumango na walang pag-aalinlangan. "Okay... I'll start tomorrow then?" Laglag ang pangang napatulala sa akin ang mga magulang ko. Nung matauhan ay tumikhim si Dad at inayos ang kanyang necktie. "S-sure! Sumabay ka na lang sa 'kin bukas ng umaga." Tumango ako bago umakyat na sa kwarto. I guess this is better this way... na magtrabaho na lang. Tutal hindi naman ako magaling maglaro, gastos lang iyun. I am not like Lea and Pierce. I can basically live my life without playing. Well, hindi naman talaga ako tulad nila... na palaging panalo... na marami ang bumibilib... na malaki ang mararating sa paglalaro. Bowling is my hobby, not my life. Tsaka... gusto kong makabawi sa parents ko. Alam kong hindi nila ako parating pinapansin at palaging dinededma ang mga achievements ko, but still... I manage to live a comfortable life because of them. Swerte na ako kung tutuusin. Palaging bago ang mga gamit at damit ko, nakakakain ako tatlong beses sa isang araw plus may meryenda at midnight snacks pa. Nakakapag-aral ako at hindi ko na kailangang maghirap para lang may pambaon. Swerte na ako...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD