Some Idiot

1118 Words
[Eve's POV] Maaga akong nagising kinabukasan, mga around four. Hindi na ako gumagamit ng alarm clock simula seventh grade at isa iyan sa mga maliliit na bagay na pinagmamalaki ko. Pagbaba ko ay ang isang maid pa lang namin ang gising na si Tita Nora. Binati niya ako bago pinagpatuloy ang paghahanda para sa kanyang lulutuin. Usually, tatlong maids ang meron sa bahay. Iyung isa ay tagaluto at tagahugas ng pinggan habang ang dalawa naman ay sa paglilinis ng buong bahay, pati na rin ng lawn. "Ako na ang magsasaing. Kayo na lang po sa ulam." I offered and she didn't mind me helping her. Nasanay na ito dahil simula elementary ay tumutulong na ako sa gawaing bahay. Palagi kasi akong naiiwan tuwing may lakad sina Mommy kasama ang dalawa kong mga kapatid. Kaya siya ang umaasikaso sa akin at tinuruan niya rin ako sa gawaing bahay. Ang bagay lang siguro na hindi ako marunong ay ang pamamalantsa. "Mabuti naman at sumang-ayon ka sa sinabi ng ama mo. Alam mo, gulat iyun kahapon pati na rin ang Mommy mo dahil akala nila ay aayaw ka." Nakangiti lang ako at pinakinggan ang pagkwento niya habang hinuhugasan ang bigas. "Ang dalawa mo kasing kapatid, ayaw doon sa kompanya. Madaming gagawin lalo na dahil nilagay sila sa factory ng ama mo. Hay nako, iba ka talaga sa kanila. Mabait ka, tahimikin, at marunong makisama." The warmth in her words made me feel appreciated. Iyun ang kailangan ko. Ang sarap sa pakiramdam dahil kahit sa ganoong bagay ay ramdam kong mas lamang ako kesa sa mga kapatid ko. Pagkababa nina Mom at Dad ay nagulat sila nung makitang gising na ako. Usually kasi ay wala sila rito sa bahay na dalawa. Palagi silang out-of-the-town dahil sa mga meetings kaya hindi nila inaasahan na tutulong ako kay Tita Nora. "Glad you're early." I heard my Dad said. "I'm always early," bulong ko sa sarili. Nilapag ko ang thermos sa mesa kasama na rin ng mga mugs para makapagkape sina Mom at Dad bago ako bumalik sa kwarto para maligo. Pagkatungtong ko sa pangalawang palapag ay natigilan ako sa narinig. Hindi ko alam kung ano iyun kaya hindi ko na pinansin. Didiretso na sana ako sa kwarto pero nung lumakas at naging mas klaro ang naririnig kong ingay ay hindi na ako nakapagpigil. Sinundan ko kung saan man nagmumula at natigil lang sa harapan ng kwarto ni Winny. Dahan-dahan kong inilapit ang tenga ko sa pinto at napasapo ako sa noo dahil sa pag-ungol niya. "Damn, ang sarrapppp! Ugh!" Seriously? Napairap na lang ako bago pumasok na sa kwarto at padabog na sinara ang pinto. Sana mahuli siya nina Mommy! . "Si Hera na ang bahala sayo." Tukoy ni Dad sa sekretarya niya na baguhan din. "Sige," bulong ko nang nakayuko. Tumango si Dad bago niya ako iniwan kasama si Hera. Kaka-graduate lang ni Hera at nagtapos siyang may Latin Honors. Katangkaran ko lang at palangiti siya, iyun ang bagay na lubos kong nagustuhan kahit na kakakilala ko lang sa kanya. "Okay, I'll show you to your workplace now." Hindi pa rin nawawala ang kanyang ngiti nung nagsimula na kaming maglakad. Paakyat kami sa elevator ay madami na siyang kinukwento tungkol sa experience niya sa company in the past eight months. "Here are the papers that you need to encode and arrange. After a while, babalikan na lang kita kapag may need pang ipagawa. Okay?" She's enthusiastic and excited kahit na opposite ang mood na pinapakita ko. Hindi ako masyadong nagsasalita at tanging tango lang ang parati kong binibigay. "Then, I'll see you around." Sabi niya matapos kong tumango. Tahimik kong ginawa ang trabaho ko. Kada oras ay bumabalik si Hera para dagdagan ang trabaho ko. Hindi ako nagreklamo... mas swerte na ako at hindi ako nilagay sa factory. ZLS Enterprise is owned by both of my parents. Merging ito ng dalawang kompany since nagpakasal sina Mom at Dad para roon. My Mom's company focused more on logistics and production of canned good while my Father's is a security and communications agency. Out of the two companies, ZLS was born, an enterprise for canned goods production and also a communications agency. The company also owns a few pharmacy franchises. Next step ng parents ko ay pumasok sa pharmaceutical distribution, tas magugulat na lang ako ay baka lab na ang ipapatayo nila. Our company is quite wonderful to look at, but our properties are nothing to what Pierce's and Eion's parents owned. Mas kilala sila especially sa internationals. "Si Dad?" Tanong ko kay Hera nung gumabi na at natapos ko na ang lahat ng gawain. "Pumunta ng Laguna, hindi ka sinabihan?" Tipid akong ngumiti at umiling. Just as expected.... Napabuntong-hininga ako bago lumabas ng building at nagpara na ng taxi na masasakyan. "Narinig ko kay Caleb na hindi ka raw nag-practice." Tumawag si Jacob sa kalagitnaan ng mabigat na traffic. There was concern in his voice, I can picture him with his furrowed eyebrows. Good grace, I missed him. "I decided to work na lang. It would be a wise choice to spend my time working than playing. Sabi ni Dad, suswelduhan niya rin naman ako." "Really? Is that really the reason why you want to quit playing?" Napakagat ako ng labi dahil sa pagsususpetya sa kanyang boses "Oo, totoo." "Then, why did Caleb said to me that he'll pay for your training expenses." "W-what?" "He called me earlier. He asked me to talk to you and say that he'll cover up your expenses. He wants to give you a week of free training to make it up to you." "A-ano pa ang sinabi niya?" Gusto ko ring marinig na humihingi siya ng tawad, na pinagsisisihan niya ang kanyang sinabi. "That's it. Tell me, Eve, anong ginawa niya sayo?" "Hindi niya sinabi sayo?" Mapait kong tanong. "Hindi. Tinanong ko siya pero pinatay niya agad ang tawag." That's unbelievable. Ang taas naman ng tingin niya sa sarili niya. A week of free training? Hindi sapat iyun kumpara sa sakit na pinaramdam niya sa akin gamit ang kanyang mga salita. "Sinaktan ka ba niya?" "He's harsh with his words... that's all." Napipiyok na ani ko. Ayoko nang palakihin ang g**o. Ayoko ring mag-away silang magkapatid dahil lang doon. "He's not nice, Eve, I've told you... but give him a chance." "I'll work all sem-break, Jacob." "Eve, please... don't quit. You need to be in shape." There was desperation in his voice when he said that. "I-i can't." Suminghot ako. I can still hear Caleb's voice calling me stupid. "I know how much you love playing. Caleb is just an obstacle you need to overcome, Eve. Please... don't let some idiot stop you from doing what you love."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD