[Eve's POV]
Pinag-isipan ko ang mga sinabi ni Jacob. Tama siya. If I really love playing, I won't let anyone stop me. Pwede akong maglaro sa ibang bowling alley pero gusto kong ipakita kay Caleb na hindi niya ako basta-basta lang na matitibag.
"Tatawagan mo ang Daddy mo?" Gulat na tanong ni Tita Nora dahil sa pakikiusap ko na tawagan si Dad.
Wala akong number niya. Yeah right, sarili kong ama ay wala akong number. Well, hindi naman niya kasi ako tinatawagan o tine-text man lang. To put it simply, wala siyang pake sa existence ko.
"Opo." Tumango siya at may kung anong pinindot sa telepono. Tipid ko siyang nginitian dahil sa paraan ng pagtitig niya na parang nangsususpetya.
"Si Nora po ito, Sir... si Eve po gusto kang kausapin... iyung bunso niyo, si Cordelia Genevieve."
Malaki ang kutob ko na nagtataka pa si Dad kung sinong Eve. Psh, pinapahalata talaga nila sa lahat na parang hindi nila ako anak.
Sinenyasan ako ni Tita Nora na okay na raw kaya agad kong inabot ang telepono at nilagay sa tenga.
"Hi, Dad. About sa trabaho po sa office, I just wanna ask a favor po na kung pwede ay sa factory niyo na lang ako ilagay."
"S-sa factory?"
"Opo."
"Ipagpapalit mo ang office work para magtrabaho sa factory?!" Tumaas ang boses niya at nahihimigan kong gulat siya. Well, ang dalawang anak niya ay ayaw na ayaw magtrabaho sa factory. Ako naman na sa office nilagay ay gustong magtrabaho ron. Oo nga, sinong hindi magtataka?
"Mas less kasi ang working hours." Tatlo hanggang apat na oras lang ang trabaho sa factory while sa office naman ay kailangang buong araw.
"Sigurado ka na ba?"
"Yes po," I said with full respect. Gusto kong makita niya na sobrang naiiba ako sa mga kapatid ko. Marespeto ako, hindi nanghihingi ng sobra pa sa binibigay nila, hindi nagagalit, at hindi nagrereklamo. Gusto kong maalala niya ako palagi, ayaw kong madedma na parang hindi ako parte ng pamilya.
"Okay, I'll let Hera arrange everything."
"Thank you, Dad."
.
Ang plano ko ay magtrabaho sa umaga at maglaro sa hapon. In this way, I can hit two birds at the same time.
Maaga akong umalis kinabukasan. Ayokong maabutan ang mga kapatid ko at baka masira ang araw ko.
Habang nakasakay sa jeep ay ramdam ko na ang paggapang ng kaba sa aking sistema.
Relax, Eve, may trabaho ka pa. Huwag mo munang isipin ang paghaharap ninyo ni Sir Caleb.
"That's strange, I heard na ayaw daw ng mga anak ni Sir na magtrabaho sa factory." Puno ng kuryosidad ang mukha ni Hera pagkakita niya sa akin sa lobby.
"I'm different from my sisters. I actually want to work in the factory 'cause it has less working time."
"But the salary is also less." Sasagot na sana ako pero nagpatuloy siya sa pagsasalita. "Well, you don't have to be worried about money. I'm sure what you need is experience." Hindi na ako nagsalita at tumango na lang.
She guided me towards the factory which is few blocks away from the company building. Namangha ako sa pagpasok dahil sa mga makinarya na gumagalaw. May mga naka-PPE rin na mga lalaki na nagtutulungan sa pagbuhat ng mga supplies ba ready for distribution na.
Kasama ko si Hera sa panonood ng mga factory workers na naglalagay ng mga isda sa lata tas ibibigay sa kabila para maglagay ng sauce and other ingredients. Sa kabilang aisle naman ay naroroon ang mga workers para sa pork and beans na mga de lata.
"Can I see the plantation?" I asked Hera. I want to see where the sardines grow artificially because of my own curiosity. I actually want to know how everything works. Gusto kong malaman ang bawat proseso dahil ang ito ang bumubuhay sa akin at sa pamilya ko.
Hindi nakasagot agad si Hera. Nagkatinginan pa silang dalawa ng isang worker bago nagsi-iwas ng tingin. Hilaw siyang ngumiti sa akin bago tumango.
Nakasunod lang ako sa kanya hanggang sa pumasok kami sa malaking pinto na may mga kulay yellow na plastics at pulang ilaw sa taas.
Pumasok kami at may mahahabang pool na may mga net sa gilid. Lumapit ako roon para tingnan ang mga isda.
"Where are the sardines?" I asked when minutes passed and I didn't nitice anything swimming underwater.
"About that, I bet your parents haven't mentioned anything about the disaster?" Naging alerto ako sa kanyang sinabi. Nag-aalala ko siyang hinarap at naghintay ng mga kasunod niyang sasabihin.
"The sardines were poisoned weeks ago. Hindi lang dito kundi sa iba pang plantation. Kaya naman, ang mga pina-pack ngayon ay ang last batch. We will need to wait for months for the next harvesting. Nasa incubation pa ang mga isda."
Napalunok ako at kinagat ang aking mga labi. My parents never mentioned anything...
Well, sino ka nga naman para sabihan nila?
"T-then, why don't we look for another aleternative? A... a substitute for the mean time?" Gumagaralgal ang boses na tanong ko. Puno ng pag-asa na siguro ay panandaliang solusyon sina Mom and Dad.
"Dahil sa dami ng demand at competitor ay nahirapan kaming makahanap ng supplier."
"P-pero hindi pwedeng stagnant ang negosyo especially dahil in demand ngayon ang canned sardines." Oo, dahil sa mga calamity, specifically sa sunod-sunod na mga bagyo sa Mindanao, sikat pa naman ang products namin doon. People from Mindanao significantly prefers our goods.
"Your parents are doing their best to find solutions to this matter. Huwag kang mag-alala."
"What about mackerels instead of sardines? May mga import supplies naman siguro," bulong ko pero mukhang narinig niya.
"Mabagal ang growth ng economy sa mga nakalipas na buwan, Eve, malaking capital iyun kung ico-consider natin ang mga import supplies."
"We can just increase the price since in demand naman din. Mas mabuti nang any gawin tayo kesa ma-freeze ang production ng canned sardines." Giit ko na nagpatahimik sa kanya. Matagal siyang napatitig sa akin bago unti-unting umangat ang sulok ng kanyang labi.
"You know what, Eve. Looks like I'm staring at my future boss, the next CEO of ZLS."